"Ayos ka lang ba talaga?", kanina niya pang tanong sa akin yan, kanina pa na rin ako na iinis sa paulit-ulit niyang tanong. Inirapan ko nalang siya at hindi na sinagot pa, nakaka-inis na kasi tumakbo lang ako papuntang banyo dahil tinawag ako ng kalikasan akala mo naman ay manganganak ako kung mag-alala siya. "Tsk, sigurado ka bang walang masakit sayo?", tanong niya na parang sumuko na sa kakatanong dahil hindi ko na siya sinasagot. "Wala na n-nga", napautal ako sa huli kong sasabihin ng biglang sumakit ang ulo ko pero hindi ko pinahalata sa kanya baka mag-alala nanaman siya sa akin. "Sigurado ka?" tanong niya, tumango lang ako bago tumalikod sa kanya at pasimpleng hinilot ang ulo ko , ilang buwan na ang lumilipas at patuloy lang ako sa pagta-take ng medicine para sa sakit ko na pasi

