"Papa! Look mickey mouse is here!" tuwang-tuwa na sabi ni Angela at niyakap si Mickey mouse sa hita nito dahil iyon lang ang kanyang kaya abutin. "Ok baby smile", ngumiti naman siya at nagpicture silang dalawa ni Mickey mouse kasama ang kambal niyang si Angelo na nakangiti rin sa Camera. "Look Angelo ang cute natin!", sabi ni Angela habang tinitignan ang picture nila sa DSLR ng papa nila pagkatapos nilang magpapicture kay Mickey Mouse. "Lets's go babies libot na tayo hindi lang iyan ang makikita niyo" hinawakan ko ang kamay ni Angelo at ang sa kabila naman ay ang kamay ng papa nila samantala si Angela ay karga-karga niya sa kanyang bisig. "Wow! Astroboy" napabitiw naman ako sa pagkakahawak sa kanya ng bigla siyang tumakbo sa Astroboy na nakBrief lang at ang kanyang ulo ay malaki na ma

