"Anong problema?" bungad niya sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa office niya buti nalang ay hindi ako nahirapan pumasok dito dahil kilala na ako ng sekretarya niya. Hindi na ako naghintay na paupuin niya ako kaya umupo na ako sa sofa, na nasa harap niya bago tinignan ang paligid. May mga konting nagbago sa office niya katulad nalang ng may halaman na sa gilid ng pinto nito at ang kurtina nitong kulay asul na ngayon. " Wala naman, nga pala ito na ang Design ng susuotin niyo nasaan pala ang soon to be Mrs. Christian Woo? " , maloko kong tanong sa kanya, napasimangot naman agad siya alam kong inis pa rin siya sa asawa niya dahil palagi siyang nagsusumbong sa akin na lagi daw siyang iniinis at lagi daw kwento ng kwento minsan naman ay sobrang ingay. Narinig ko naman ang pagbukas at s

