" Sorry... ", alam kong walang magagawa ang sorry ko, alam kong walang mababago kahit paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanya. Nasaktan ko siya, sobrang nasaktan ko siya to the point that she quit loving me before. Nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya tuwing naalala niya ang ka-gaguhan na ginawa ko sa kanya. Hindi ko alam kung bibigyan niya pa ako ng isa pangpagkakataon upang mahalin siya, upang ipakita sa kanya na nagbago na ako na hindi na ako katulad ng asawa na nakilala niya dati na walang ginawa kundi ang saktan siya. "Ok lang, labas na magbibihis pa ako"' sabay tulak niya sa akin palayo sa kanya, kaya't tumayo na ako at iniwan siya sa kanyang kwarto bago pumunta sa kwarto para mag ayos na rin. Lilipat na kami ngayon at mamaya dadalhin ko siya sa isan

