Four months later Hokkaido, Japan TILA masisira ang rib cage ni Julienne sa lakas ng pagtambol ng kanyang puso. Relax, Julienne, sabi niya sa sarili. She was on her way to the park. Tumigil siya sa paglalakad at naupo sa isang bench at pilit kinakalma ang sarili. Julienne played with her fingers. Malamig ngayon sa Japan pero namamawis yata ang kanyang mga palad. Nakakadama siya ng nerbiyos. Parang hinahalukay ang mga bituka niya sa tiyan. Ang sabi ni Althea ay nangako raw si Edward na gagawin nito ang lahat para matuklasan ang misteryo sa pagitan nila subalit walang pasabi ang binata kung natagpuan na ang bagay na magtuturo sa kinaroroonan niya. She was in Hokkaido, Japan. Sa lugar kung saan unang nagtagpo ang mga landas nila ni Edward. Darating kaya si Edward? Paan

