Epilogue Twenty years ago Hokkaido, Japan Pumikit si Julienne kahit patuloy na namamalisbis ang mga luha sa kanyang mga mata. Umusal siya ng panalangin. Lord, I promise po magiging mas mabuti na po akong anak. Sana po huwag nang mag-away sina Mommy at Daddy. Sana— “Hello,” anang tinig ng isang batang lalaki na pumutol sa daloy ng isip ni Julienne. Mabilis na pinahid niya ang kanyang mga luha. Nagpakatago-tago na nga siya sa pinakasulok ng parke pero may gumagambala pa sa kanya. Mahigpit na hinawakan niya ang notebook na laging dala pagkatapos ay yuko ang ulo na lumipat siya sa kabilang panig ng puno para makaiwas dito. “Bakit ka umiiyak? Wala bang gustong makipaglaro sa `yo kaya ka umiiyak?” sabi uli ng tinig. Mukhang hindi siya nito tatantanan. At, kin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


