BETTY's POV
Tahimik lang akong nakaupo sa sulok habang nagtatawanan ang mga kaibigan ko. Masyado ata silang tuwang tuwa sa mga kasintaham nila. Ganiyan naman talaga sa una. Sa sobrang tawa naman ni Phob ay bigla niyang natabig 'yung tinidor niya at nahulog. Imbes na pulutin ay tinawalan lang nila ito ni Naya.
"Grabe tignan mo 'to, Phob. Ang hot. Parang ang sarap namang mag-kape dahil sa mga tinapay niya." nangingisay na sambit ni Naya kay Phob.
Sa aming tatlo, ako na lang ata ang walang interes sa mga tao ngayon. Joke. Ganiyan din pala ako sa mga bias ko. Well, exception sila since alam ko na wala akong pag-asa sakanila at hindi ko sila kalevel.
"Bff Betty, alam mo tatanda kang dalaga kung forever kang magmumukmok diyan sa gilid. Hindu ka kasi nakikinig sa amin. Alam mo na literal ekis kapag may ex na 5 years." pabirong sabi sa akin ni Naya.
Inirapan ko siya at piniling ibaling ang atensyon ko sa internet.
Hindi pa ako okay. Sira pa ako. At hindi naman nakamamatay kung magiging single ako habang buhay. Need ba ng jowa para mabuhay? No. Ew.
Aaminin ko na bitter pa rin ako dahil sa ex ko. Valid naman ang pagiging bitter at pagbubugnot ko dahil sa nangyari sa past relationship ko.
Kaya I don't really recommend 'yung mga taong may ex ng 2 and above years. Kasi kahit sinabi na mahal ka, kung bumalik 'yung totoong mahal, talo ka.
Tanga rin naman ako kasi kahit binawalan na ako ng mga kaibigan ko na huwag pumatol sakaniya, ginawa ko. Pero wala na, e. Nasaktan na ako. Masaya na sila. At sino ba naman ako para magalit kung ginusto ko naman?
Napabuntong hininga ako no'ng makita ko 'yung bagong post niya. Oo na. Hindi ko inunfriend kasi nga hindi ko pa kaya.
Ang saya niya grabe. Sana lahat. Tatay na rin siya dahil noong kami pa ay nag-jugjugan pala sila no'ng ex niya. Ang sakit 'di ba? Kami tapos nangaliwa? Mukha ba akong invisible that time?
Anyways, mabuti na rin at naghiwalay kami. Hindi ko need ng cheater sa buhay ko. Naalala ko pa kung ilang red flags ang inignore ko para lang makasama siya. Nas-stress na naman kilay ko dahil sakaniya.
Nakatatlong buntong hininga ata ako bago ko mahuling nakatingin sa akin sila Phob at Naya.
"Teh, move on na." sabay nilang sabi.
Naiiyak na naman ako. Mabilis kong pinaypayan 'yung mata ko at sinalo rin ako ng mga kaibigan ko. Alam nila na anytime iiyak na ako.
"Grabe. Ang ganda ko ba para pagdaanan 'to?" sabi ko sakanila habang inaalo ako.
Kahit sa seryosong usapan ay nagawa pa rin naming tumawa na parang mga tanga. Ayon. The end. Joke lang.
Napagdesisyunan na naming gumala sa labas dahil pagabi na rin. Mas active itong dalawa sa gabi dahil maraming nagsisilabasang mga gwapo't magaganda. Naghahanap pa sila e nandito lang naman ako.
Nagpaiwan muna ako sa bench habang nagp-pictorial sila sa park. Sa totoo lang, wala pa akong balak mag-move on. Hindi naman sa pagiging tanga pero gano'n na nga. Aminado naman ako na martyr ako pagdating sakaniya.
Pinagmamasdan ko pa rin 'yung sinend niya na wedding invitation sa akin. Yep, ikakasal na sila after 5 months. 4 months na rin kaming hiwalay kasi noong limang buwang buntis na pala noong 'yung ex niya.
Betty P. Santos
Pupunta kaya ako? Huwag na? Ang kapal ko ba kapag sasabihin ko na oo—
"Excuse me. You can use this." napalingon ako no'ng may nagsalita sa tabi ko.
Noon ko lang napansin na umiiyak pala ako na parang tanga rito sa may park. Tipid ko siyang nginitian at tinanggap 'yung panyo na inaabot niya.
"Hala, thank you. Sorry sa abala." nahihiyang sabi ko sakaniya.
Tipid lang siyang ngumiti at binalik ang tingin sa binabasang libro. Feeling ko tuloy sobra sobrang kahihiyan ang ginawa ko dahil nagbabasa pala siya.
"Uh. Salamat pala sa panyo—"
"You can keep it, Miss. Kailangan mo 'yan." pinutol niya ang sasabihin ko noong ibabalik ko sana 'yung panyo.
Suplado.
Luminga linga ako at naghanap ng bakanteng bench pero wala na akong mahagilap. Kailan ba kasi 'to umupo sa tabi ko at bakit hindi ko napansin?
"Kanina ka pa rito?" tanong ko sakaniya which is hindi maganda kasi nagbabasa nga pala siya.
Hindi niya ako pinansin at nagbasa pa rin. Umirap ako at tinawagan 'yung mga kaibigan ko na hindi ako sinasagot.
At sa kasamaang palad, biglang umulan. Wala akong dalang payong. Hindi ko rin macontact sila Phob at Naya. Dahil sa panic, tumayo ako at aambang tatakbo pero may humatak sa slingbag ko.
Wala nang ulan pero umuulan pa rin. "Wala ka na ngang panyo, wala ka ring payong." sabi nitong katabi ko na may dala rin palang payong. Wow ha.
"Wow. Salamat." mahina kong sagot at umirap.
"Walang anuman." sagot niya bago ulit ako hinatak papunta sa isang cafe. So magpapalibre 'to dahil pinasilong ako sa payong at pinahiram ng panyo?
Pumasok na kami sa loob at nakita ko 'yung mga kaibigan ko na may kasamang mga babae at lalaki. Pupuntahan ko na sana sila kaso may humatak ulit sa akin. Pinagmasdan ko siya habang pumipili ng io-order. Okay na. Napansin ko rin na may katangkaran siya. Bagay rin ang black and beige sakaniya. Bumalik ako sa ulirat nang mag-ring ang phone ko. Nakit ko sila Naya na kumakaway sa akin na parang chinicheer pa ako at umirap ako sakanila. Nanggigigil ako sa dalawang 'to.
Tumikhim siya at binaling ko ang atensyon ko sakaniya. "Pili ka na lang kung anong gusto mo, libre ko na." sabi ko sakaniya kasi 'yon naman ang habol niya.
"Iyang paa mo nakaapak sa white shoes ko, Miss." sabi niya at napatingin ako sa baba.
"Hala, sorry. Teka punasan ko—"
"Palitan mo." sabi niya. "Joke."
Hindi magandang biro. Baka gusto niya na ipakain ko sakaniya 'yang sapatos niya?
"Haha. Nakakatawa. Hahahaha." natatawang sabi ko sakaniya kahit hindi nakakatuwa kasi nanggigigil din ako sakaniya.
Bigla niyang hinubad 'yung white shoes niya at nilagay sa harapan ko. Tumayo siya at lumingon bago umalis. "Bukas. 8pm. Pakibalik silang malinis."
Napanganga ako dahil sa asta niya. Wow. Ang kapal ha. Grabe. Ang sarap isaksak sa baga niya. Ayoko na makita 'yang pagmumukha niya.