CHAPTER 4

1051 Words
BETTY's POV Malakas akong tumawa pagkatapos niyang sabihin 'yon. Halos maiyak ako at mapahawak sa tiyan sa tawa. Pasimple ko pa siyang hinampas sa balikan dahil masyado akong natawa sa joke niya. "Hindi ka rin masungit 'no? Clown ka rin HAHAHAHA." sabi ko habang tumatawa pa rin. "Hindi naman ako nagbibiro. Crush kita." sabi niya na ikinatahimik ko na. Tumigil na ako sa pagtawa at seryosong idinampi 'yung cotton ball sa noo niya. Sa totoo lang, parang sasabog na ang puso ko dahil sa sinabi niya. "Ouch." sabi niya at hinawakan 'yung kamay ko. Tinignan ko siya at agad na kumalas. Ano bang problema niya? Lumayo ako bahagya sakaniya at hinayaan na siya na lang ang maglinis ng sugat niya. Ayoko nitong t***k ng puso ko ha. Nakakakaba. Bakit ang bilis? "Hindi na kita crush." sabi niya at tumayo na. Napatigil ako ro'n at tinignan siya. Gosh. Gusto ko na umirap at pumatay. Tumayo ako at tinulak siya papalabas sa bahay ko. As if naman na papayag ako na maging crush niya ako? "Salamat nga pala sa pagligtas sa akin kanina. I really appreciate it. Thank you so much." sabi ko habang tinutulak pa rin siya nang tumunog 'yung tiyan niya. Ngumiti siya sa akin. Gosh. No. Don't. Don't say the silver word. Don't, teh. Please. "Pwedeng makikain?" Internal roll eyes. Internally screaming. Gusto kong sumigaw. Aaaaaaaaaahhhh. Pumasok na kami ulit sa bahay ko at dumiretso ako sa kusina habang siya ay pinagmamasdan ang sala namin. Pag-open ko sa fridge ay halos wala na pala itong laman at puro gatas. Pauwiin ko kaya siya? Wala naman na kasing laman at hindi pa ako nakapag-grocery. Ang rude ko naman ata? Niligtas niya ako, e. "Uh. Wala palang laman ref ko." sabi ko sakaniya. Pati back view niya napakagwapo. Ang sarap niya tuloy ibitin tapos yakap—sabunutan, I mean. Umirap ako. "I'll drive you." sabi niya at ngumiti. Self, kalma. Anong karapatan niyang maging sobrang gwapo kahit ngumiti lang naman ang ginawa niya? Nakarating kami Savemore at siya na ang nag-volunteer na mag-tulak sa cart namin. Napagdesisyonan namin na sinigang at chicken fillet na lang ang hapunan namin. Bumili na rin ako ng extra meat para sa susunod na araw. Hindi ko pa sigurado kung makakapag-grocery ako this week. Binili ko na rin 'yung iba pang kailangan ko. At dahil gabi na ay maaga kaming natapos dahil hindi siksikan sa counter. Buong byahe ay tahimik lang kami though minsan nahuhuli ko siyang lumilingon lingon sa akin, hindi ko na siya pinapansin. Ano siya? Swerte? Asa siya. Nang makauwi ay agad na akong nagluto at siya ay naiwan ulit sa sala. 8pm na pala kaya binilisan ko na baka gutom na siya. Excited ka lang talaga na ipatikim 'yung luto mo. Duh? Ako? Asa siya. Sinilip ko siya at nakatitig lang siya sa mga picture frames sa may table. Nilapitan ko siya. Parang malalim iniisip niya kaya hindi niya napansin na nasa tabi niya ako. "Kung nakakatunaw lang ang tingin, kanina pa natunaw pictures ko." sabi ko sakaniya at tinignan siya. Lumingon siya sa akin. "Walang nagbago sa'yo." sabi niya. Napakunot ako ng noo. Ha? Kilala niya ako? "Huh?" "Wala. Luto na ba? Gutom na kasi ako." sabi niya sa akin habang nakahawak sa tiyan. "Ah. Ano...malapit na." sagot ko na lang at mabilis na pumunta sa kusina. Sumunod siya at umupo agad sa dining table. Wow. Okay, sabagay. "Help yourself." sabi ko sakaniya at nagsimula nang kumain. Paminsan minsan ko siyang sinusulyapan. Grabe. Napaka-effortless ang pagiging gwapo niya. Siguro kung may bayad ang pagiging good looking, kahit simpleng hinga lang niya may bayad. "Huwag mo akong gawing appetizer." sabi niya habang patuloy pa ring kumakain. Umayos ako ng upo at inirapan siya. "Akala mo naman ang gwapo." sabi ko pagkatapos ay sumubo. Tumawa siya. Tumawa. Parang lumiwanag 'yung buong paligid noong tumatawa siya habang nakatingin sa akin. Gosh, bakit ang gwapo niya kahit nakakairita na? Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas. Ang bilis. Kumalma kayo. "Anong tinatawa tawa mo riyan? Umuwi ka na nga kung ganiyan din lang." sabi ko sakaniya habang hindi makapagsalita ng diretso. "Wala. You're so cute when you're pissed." sabi niya at kumain ulit. I blushed. Tumikhim ako. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagsubo hanggang sa bigla akong nasamid. Tinignan niya ako habang natatawa na naman. Akala ko pinaglihi 'to sa sama ng loob pero mukhang hindi. "Crush mo ba ako?" tanong niya sa akin habang nakangiti. Sinamaan ko siya ng tingin. Oo—HINDI! Anong oo? Hindi! "Wow. Ang kapal naman ng mukha mo. Hindi ako nagkakagusto sa mga hindi ko kakilala." sinungaling Inilapit niya 'yung upuan niya sa akin pagkatapos ay inilapit ang mukha sa akin. Tinulak ko siya pero lumapit pa rin siya sa akin. "Lumayo ka nga." sabi ko sakaniya. Bigla niyang idinampi 'yung kamay niya sa pisngi ko. Hoy. Anong gagawin niya. Bigla akong napapikit pero napadilat ako noong naramdaman ko na pinunasan niya 'yung pisngi ko. Malakas ko siyang tinulak. "Wow. Huwag mo nga akong nilalapitan baka masapak kita." sabi ko at inayos ang upo. "Bakit ka pumikit? Akala mo hahalikan kita? Baka ikaw naman ang may gusto sa akin." sabi niya na parang iniinis ako. Ang kapal niya. Grabe. Anong hangin ba ang taglay nito at ganito umasta? "Gusto? Ikaw? Gusto ko? Hala ang kapal mo naman. Sino ka ba?" sabi ko sakaniya. Ngumiti siya. Ngumiti. Bakit kailangan niyang ngumiti? Nad-distract ako. Hindi ako makatingin ng maayos. "Sorry. I haven't introduced myself pa pala. I am Preston." sabi niya at inilahad ang kamay sa akin. Pati ba naman sa pangalan ay napakagwapo? Pwede ba na kasing pangit na lang niya 'yang ugali niya? Pwede naman silang mag-swap no'ng mukha at awra niya sa ugali niya. Tinabig ko 'yung kamay niya. "Betty." sabi ko at iniligpit 'yung pinagkainan namin. Nasa sala pa rin siya at hindi umaalis kaya noong natapos na ako sa kusina ay pinuntahan ko siya. "Betty, I gotta go. It's late. Thank you for the dinner. Take care." sabi niya at inihatid ko na siya hanggang sa may gate. Nang makalayo 'yung kotse niya ay agad akong pumasok sa loob ng bahay at humilata. Napahawak ako sa dibdib ko. Sana walang mabuo. Hindi pa ako handa. Note: Hello. I'll be updating every 2 days. Keep safe. <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD