Chapter 54: Pregnant SA BAHAY na nina Dad ako nakatulog dahil kinabukasan ay dumiretso na kami sa hospital. “Thank you, Ate... Thank you dahil...sasamahan mo pa rin ako sa loob ng operating room,” sabi niya. Nakahiga siya ngayon sa hospital bed niya at mahigpit niyang hinawakan ang kamay niya. “Noong kulang ka sa dugo ng bata pa lamang tayo ay kasama mo rin ako dati, Arveliah. Minsan mo na akong naging donor. Kaya ngayon magiging donor mo ulit ako. Ang alam ko kasi sa mga oras na iyon ay wala si Dad kaya hindi siya ang naging donor mo pero hindi siya puwede ngayon. Kaya ako na lang,” ani ko. Hindi naman basta-basta ooperahan ang kapatid ko dahil kailangan pa raw akong idaan sa mga test kung compatible nga ba talaga kami or kung healthy rin na mag-donate ng bone marrow for her. Para rin

