Special chapter 1: His rule WARNING: R-18. This story contains mature content that not suitable for young readers and sensitive people, only for open minded. Read at your own risk. MAY ANN’S POV MAINGAT kong inilapag sa office table ko ang picture frame namin. Kasama ko ang asawa kong si Mergus, katabi niyang nakaupo ay si Mayeese. Daddy’s girl nga talaga siya. Nasa bisig naman niya ang bunso naming si Mayeeza Anna at nasa lap ko naman si Heshia Merganne. Bakas ng kasiyahan ang litrato namin dahil talagang masaya kami habang kinukunan kami ng family picture. Ilang taon na kaming magkasama ni Mergus at mas tumibay nga ang pagmamahalan namin. Kahit may mga pagkakataon talaga ay nag-aaway kami pero parte na rin sa isang relasyon. Normal ang mag-away kung minsan pero huwag nating hayaan na

