"A-Alessandra." Wala sa sariling sambit ko. Napasinghap nalang ako at agad na napasapo sa noo dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko at matinding pagkahilo. "A-Anong...?" Naguguluhan kong tanong. Ibinalik ko ang tingin sa lapidang kaharap ko saka inalis ang pagkakadampi ng isa kong kamay dito. Tama. Nang hawakan ko ang lapida ay bigla ko nalang nakita ang mga alaalang iyon ni Aly...nang dalawang Aly bago sila patayin ng hindi ko kilalang matanda. Si Alessandra. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang tunay na pangalan ni Sandra o mas kilala ring Aly na s'yang pangalawang pinatay labing apat na taon na ang nakakalipas. Hindi pa natatagpuan ang katawan nito dahil dito mismo sa tagong kwarto inilibing ng matandang lalaki ang bangkay n'ya....sa ilalim mismo nitong lupang kinatatayuan ko. Hindi

