CXYRYLEEN'S POV
"Tigilan mona nga yang pagnguya ng chewing gums!"anas ni kumag.Tinignan ko lang siya gamit ang inaantok na mata.Pake mo ba?Wag kang makealam jan kung ayaw mong mapektusan kita!
"Ititigil mo yan o ihahagis kita sa labas?!" Luhh problema ng kumag na to?Ano ba sakanya kung ngunguya ako dito?Tch pakealamerong tadpoles! I just rolled my eyes on him saka tumalikod pero patuloy pa din ako sa pag nguya.Pake niya ba? Ehh na nininerbiyos ako ehh.Baka kasi ipatawag na naman ako sa Deans Office.
Ang sabi ng iba ngumunguya tayo para maging confident at makaiwas sa sobrang kaba.Pampabawas kaba effect ang putcha.Pero inaamin kong parang totoo ehh.Dahil feel ko yun lalo pa't nasa ganitong sitwasyon ako.
Humarap ako muli kay kumag."Tingin moba maexpell ako dahil dun?"hindi ako takot maguidance ang kaso lang kase baka papuntahin yung parents ko may trabaho kase sila at napaka busy nila masyado.Sa totoo if ever na ipapatawag man ako ngayon ng school Dean ito ang unang pagkakataon na haharap ang parents ko sa school ng dahil lang sa kagagohan ko.
"I dont know" tipid ngunit walang ka kwenta kwentang sagot ng kumag.Ano ba hindi siya nakakatulong ehh.Tinalikuran kona siya ng tuluyan dahil sa naiinis ako sakanya.Peste inutil.Walang maitutulong!
*FLASHBACK*
Nasa cios ako nagpapahangin and out of nowhere biglang sumulpot si Nata de coco.Aba't hindi paba siya nakaka move on sa paghihiwalay nila?
Tumayo ako sa kinauupuan saka siya matapang na hinarap.Kung akala niya natatakot ako sakanya pwes nagkakamali siya!Maling tao ata nakalaban niya.Bwahahaha.Lets see kung anong maibubuga ng Nata de coco na to.
She smirked "Ikaw malandi ka talaga! Alam mo ng may girlfriend na si Yeoji pero nilandi mo pa siya!" sigaw neto sa mukha ko.Ano raw? Ako malandi?Abat ang tigas naman ng kidney neto!
I crossed my arms on my chest saka dahan dahan lumapit sakanya.I smiled devishly.
"Really? Ako malandi?" tinitigan ko siya sa mga mata niya.Well matapang ang expression ng itsura niya pero halata namang nanggigigil siya.
"Wag kanang mag maang maangan pa dahil sa simula pa lang alam ko ng malandi ka talaga! Hindi ka tanga at alam ko na alam mo na ako ang totoong girlfriend ni Yeoji pero kinapalan mo talaga ang pagmumukha mo para maagaw lang siya sakin! Hindi kaba nahiya? Sana kahit konti mahiya ka naman akala moba dahil nakipaghiwalay na sakin si Yeoji ikaw na ang mahal niya?For pete's sake ako pa din ang babaeng mahal at mamahalin niya.Kaya layuan mona siya.Layuan mona kame!" namumula na ang buong mukha niya dahil sa galit saka ko sunod nakita na may luhang pumatak galing sa mga mata niya.Somehow i feel strange baket ganito ako ang bida sa kwento pero baket ako ang nagmumukhang antagonist?!
Hindi ako tanga at hindi ako manhid para hindi ko maramdaman ang nararamdaman niya ngayon.Babae rin ako at nasasaktan rin ako.Pero hindi dapat kase sakin si Yeoji at hindi ko hahayaan na makuha siya ng iba.Hiwalay na sila pero bakit ba ayaw niyang tanggapin ang katotohanang wala na sila.I choose to stay silent.Gusto kong magwala ngayon at isigaw sa mukha niyang kasal kame ni Yeoji pero hindi ko ginawa kase at the first place sapilitan ang kasalan na naganap at sila pa noon nung ikinasal kame.Feeling ko ako ang epal sa love story nila kase ng dahil sakin kung bat sila naghiwalay.Pero masisisi moba ako kung bakit to nangyayare ngayon?Ayaw ko rin naman sa sitwasyon na to pero ano pa nga bang magagawa ko?
Agad akong tumalikod ng maramdamang any moment iiyak talaga ako.Baket ganito kapag ba nagmahal ka deserve mo rin bang masaktan?Ang gulo as in magulo.At sa sitwasyong to mas gugustuhin kong mapag isa nalang.Gusto ko siyang komprontahin ngayon at isigaw sa pagmumukha niya na hindi na siya ang babaeng mahal ni Yeoji pero pano kung totoo nga ang sinabi niya?Ako pa ang magmumukhang tanga.
Hahakbang na sana ako ng bigla niyang hablotin ang buhok ko.Putek parang sasama pa atah ang anit ko sa lakas ng pagkakahila ng Nata de coco na to.Sinusubukan niya ba talaga ako?
"Aray a-ang buho-k kooooo!" naisigaw ko ng dahil sa sobrang sakit ng pagkakagawa niya ngunit patuloy pa din ito sa paghablot sa buhok ko.
"Hindi moko matatakasang bruha kang mang aagaw kang malandi ka!" hinahablot niya pa din ang buhok.Aha gusto mo plla ng World War V sige pagbibigyan kita.Inilibot ko ang paningin.Wala masyadong tao kaya ayos to ahh.
Hinawakan ko ang manggas ng uniform niya saka ako humarap sakanya sabay sampal.Bwesit na babaeng to ni hindi kona nga siya pinatulan sa mga sinasabi niya tapos hahablotin niya pa ang buhok ko.Abat riot pala ang hanap neto kaya sige ipapakita ko sayo ang rambulan na hinahanap mo.Kawawa naman kase baka kanina pa siya naghahanap ng kaaway tapos wala siyang makita kaya ako nalang ang pinuntirya niya.
Dahil sa lakas ng pagkakasampal ko sakanya,nabitawan niya ang buhok ko at hinawakan ang nasasaktang mukha niya.Ayan ang nababagay sa isang tulad mong bobo hiwalay na nga kayo tapos umeepal kapa.
"How dare you to slapped me?!" galit na sigaw niya.Aba tama lang yan sayo dahil tanga ka! Total yan naman ang hinahanap mo so baket ka nagrereklamo?
"Who gave you the authorized to touch my hair?Para sa karagdagang impormasyon Mas mahal pa tong pagpapaayos ko ng buhok kesa sa kaluluwa mo!" pagkasabi ko nun bigla niya akong sinugod sabay hila ng buhok ko na naman.Ano ba hindi niya ba titigilan tong buhok ko?Ah baka naiinsecure siguro siya sa buhok ko kaya niya pinanggigilan.Palibahasa yung sakanya kase nagmumukhang walis tambo.Bwehehhe.
"MALANDI HIGAD!"sigaw ng Nata de coco habang hinahablot ang buhok ko.Hindi ko hinablot pabalik ang buhok niya instead i let her do that to me.Hindi sa sinasabing takot ako at talunan.Gusto ko lang talagang maranasan ang mamasahe tong ulo ko matagal tagal na din kaseng namimiss ng ulo ko ang presensiya ng massage.
"ITIGIL MONA!" i shouted.Sumusobra na siya hindi porket pinamasahe ko ang ulo sakanya ehh umaabuso naman siya.
"WHAT IF I SAID NO?" hinablot niya pa rin ang buhok ko at hindi pa siya nakuntento pati damit ko isinama niya pa.Ang sabi ko buhok lang bakit nadamay si damit abat hindi maaari to.
"MASASAKTAN KA TALAGA SAKIN MAKITA MO!"parang binge lang ito hablot pa din ng hablot sa buhok ko.Ano ba self do something nasasaktan nako.Huminto ito sa paghablot ng maramdamang naninigas ako sa kinatatayuan.She look at me and i look straight in her eyes and gave her a devil look with matching devil smile.Nanlaki naman ang mga mata nito.Pero ipinagpatuloy niya pa din ang paghablot ng buhok ko.
Gosh ayoko makasakit ng kapwa babae pero mas ayoko sa lahat ang nagmumukha akong talunan.Sinampal ko siya ng buong lakas gamit ang likod ng palad ko.Pasensiyahan tayo ngayon kase kanina pinagpasensiyahan kita so its payback time.Saluin mo lahat ng galit ko ngayon.
Tumalsik naman siya sa kabilang cios na kahilera lang din ng cios na tinambayan ko.Umigik pa ito dahil siguro sa lakas ng pagkakatama ng ulo niya sa kahoy.This time ang alam ko lang nagiging monster nako kanina binalaan kona siya pero parang wala lang sakanya ang lahat.Okay peyn you'll get want you want b***h!
Nagmamadali pa siyang tumayo kahit na alam kong hilong hilo na siya.Sumugod pa din siya sakin.Hinintay ko naman ang pagdating niya dahil may fist prize pa siyang sukli sakin baka kase nakulangan pa siya.Tumatakbo siya ngunit may kahoy na nakaharang sa paa niya kaya natumba siya at nahampalusay sa lupa.Buti nga sakanya tanga much ang bobo!
*END OF FLASHBACK*
"SINO SI CXYRYLEEN SANCHEZ?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ng estudyanteng papasok sa classroom namin. Afatay na itech baka pinatawag na talaga ako ng School Dean namin.
*Badumbadumdummdumnbadum
Napalingon ang lahat ng kaklase namin sakin saka ako binigyan ng mapanuring tingin na pilit ko namang iniignora.Owz alam nyo yung buong kwento mga mare?Kung makatingin kayo sakin kala nyo naman kung sinong propeta?! PESTE!
I sighed. " Ako" saad ko ng makatayo nako
"Pinapatawag ka sa Deans Office" pagkasabi nun ay lumabas na ito ng klase.Kinakabahang napalingon naman ako kay kumag ng makita ko ang nag aalalang mukha niya.Paktay na talaga!
___
*Tok..tok
Pagkapasok ko ng Deans Office,bumungad naman sakin ang busangot na mukha ni Panot.
"Maupo ka" umupo naman ako.Hay salamat nakaupo din ako.Kalerki ang layo ng nilakbay ko papunta rito sa bwesit na Deans Office nato kaya nararapat lang na maupo talaga ang prinsesa.Tingin ko dinaig kopa si Dora sa pag explore para lang makarating sa lugar na to tapos madadatnan ko lang si panot na nakabusangot grave po talaga ang gandang bungad.
"Anong ginawa mo kay Ms.Vargas?" ha ano daw Ms.Purgas?Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi ni panot?
"I dont know who the hell is Ms.Purgas you said"madiin kong sagot.Kapeste ikaw ba naman tatanungin tungkol sa purgas na yan hindi kaba mahihighblood.Imagine ang layo ng nilakbay ko papunta rito tapos yun lang ang itatanong niya kung napano si Purgas?Abat malay ko sakanya.Do i look like a bodyguard for him?Peste.Kaimbiyerna!
"She's Ms.Nathalia Angeline Vargas" ahh si
Nata de coco pala si Ms.Purgas.Hanep na pangalan nakakakilabot like D to the U to the H.Ang matawag na Ms.Purgas ha - ha - ha.
"Anong ngingiti ngiti mo jan Ms.Sanchez may nakakatawa ba sa tinatanong ko?" ay si panot umeepal may iniimagine tayo dito ehh hanep naman talaga panira.Ano kaya kung susuotan ko siya ng hairnet? Haahaahahaha magmumukha siyang microphone ha - ha - ha - ha.
"What about her?" painosente kong tanong sakanya.Malay natin malay mo na malay niya na bigla niya palang makalimutan ahahaha edi masaya.
Anong malay malay ka jan si panot pa wala ka atang takas jan itatak mo yan sa bumbunan mo! singit ng mumunting tinig sa utak ko.Tch tumahimik ka ngang brain ka kung ayaw mong ihagis kita! Subukan mo lang magiging bobo ka talaga without me makita mo! AHHHHHH EWAN KO SAYO NEMELS KA!
"Alam moba na hindi tinotolerate ng school ang ginawa mo?! Bakit mo yun nagawa sakanya?Na sa pagkakaalam ko mabait naman siya" Medyo galit na si panot.
"THEN?WHAT WILL YOU DO TO ME AFTER THIS?PALIBHASA NAMAN KASE HINDI KAYO ANG KASAMA NIYA SA KLASE KAYA NYO NASASABING MABAIT SIYA!" kung medyo galit siya well ako? Hindi nako medyo galit mas galit na talaga ako ngayon.Baket ganon si Nata de coco lang nakikita niyang mabait? Ehh mabait naman din ako ahh.Grabeng pagpipigil ang ginawa ko kanina para lang hindi siya masaktan.Kinausap at binalaan kona siya pero hindi siya nakinig kaya hindi kona kasalanan na may nangyaring masama sakanya.Kung may dapat na sisihin sa nangyare siya yun at hindi ako.Tahimik akong nagpapahangin sa cios tapos bigla nalang siyang sumulpot na parang kabute para awayin ako?Tapos ako pa talaga ang may kasalanan?Wow just wow.Screw her! Screw the world! Its so unfair.
"Nasa clinic pa din siya ngayon at wala pa rin siyang malay.Tingin moba nakakaangat sa katayuan ng tao ang ginawa mo?!" anas niya sa harapan ko " I guess alam mo ang parusang tatanggapin mo tama ba ako?"
"Hindi porket siya ang nawalan ng malay siya na ang walang kasalanan?Come to think of it hindi mo alam ang buong pangyayare so how can you judge someone that easily?!" naikuyom ko ang kamao dahil sa labis na galit na nararamdaman ko.Yes i accepted na may kasalanan ako but f****d ako lang ba talaga ang may kasalanan?Diba siya naman yung unang nanggulo baket sakin napunta lahat ng galit nila.Hindi naman atah fair yun hindi porket nawalan siya ng malay ay ako na talaga ang may sala at siya na ang naagrabiyado.For pete's sake una siyang sumugod sakin kaya ibinigay ko ang hinahanap niya para hindi na siya mahirapan pa.
"HINDI MO MAN LANG BA ITATANONG ANG TOTOONG NANGYARE?INSTEAD OF JUDGING ME WHY CANT YOU JUST ASK FIRST? f**k JUST f**k!" sinuntok ko ng buong lakas ang mesa niya saka ako lumabas ng punyemas na office niya.Naging school dean pa siya niyan? Ni hindi nga siya marunong umayos ng gulo.Screw that Moron School Dean!PUNYAWA INUTIL!
____________________
YEOJI'S POV
"Are you okay?" nag nod naman si Nathalia.
Nasa clinic ako ngayon dahil dinalaw ko siya.Malapit na kase mag 4 pm pero dipa siya nakakalabas ng clinic kaya napagdesisyonan ko nalang dalawin siya para na din makamusta siya.
I just cant believe Cxyryl na nagawa niya ang bagay na yun.Hindi sa kinakampihan ko si Nathalia pero may mali din kasi siya ehh.
"So youre fine now i guess i can go now pano una nako ahh" tumayo nako ng bigla niyang pigilan ang kamay ko.Kaya nilingunan ko siya and f**k why is she crying?
"Babe you see what did that stupid girl do to me halos patayin niya na ako! I cant even imagine na magagawa niya yun sakin.Hinayaan kona nga kayo tapos eto pang sukli niya sa kabutihan ko?!" humagulhol na siya ng todo todo.Yeah shes
right almost 3 weeks niya na kameng hinayaan at hindi na siya naggugulo pa so baket naman to gagawin ni Cxyryl sakanya?
I hugged her to ease that pain.Maya maya pay humiwalay na ito sakin."I think shes jealous dahil ako pa din ang mahal mo kahit nasa kanya kana tama ba?" this time ngumiti na siya.Wait what si Cxyryl magseselos?Parang malabo naman atah yun kase napag usapan na namin to.
"Babe do you still love me right?" hanep naman bakit paulit ulit nalang tayo dito?Ilang ulit kopa bang uulitin na hindi kona talaga siya mahal?Ang tigas naman ng bumbunan neto.Umiling lang ako bilang sagot.
"So bakit niya ako pinag seselosan?Impossible namang hindi moko nababanggit sakanya kase may pinagsamahan naman tayo" Eto na naman po tayo sa pinagsamahan na yan.
"Ano ba talaga ang totoong nangyare?"i ask her instead na sagutin ang walang kwenta niyang tanong.Iniwas niya ang paningin sakin saka humigpit ang pagkakahawak niya sa kumot.
"I just passed by when suddenly she appeared nowhere.I-I don't k-know what shes talking about basta yun na sinampal niya ako tapos sinipa kaya tumilapon ako" napahawak pa ito sa ulo niya " This part of my head it hurts so much"
Talaga ginawa yun ni Cxyryl sakanya?Wah shes unbelievable.How can she hurt someone na nanahimik na?I was dumpfounded when suddenly the school nurse entered inside the clinic.
"Okay kana Ms.Vargas?" tanong ng school nurse namin kay Nathalia na agad naman itong nag nod.
____
"Where here" saad ko ng makarating na kame sa subdivision nina Nathalia.Inihatid ko kasi siya para masiguro na ligtas siyang makauwi sa kanila.
"Bye Babe" lumapit pa ito sakin saka ako hinalikan sa pisnge.Ngumiti lang ako saka bumalik na sa kotse.
Pagkarating ko sa Garage ng Hotel madali kong ipinarking ang kotse.Saka ako pumasok sa loob.As usual nagsitilian na naman ang mga crew ng hotel but nevermind.Kasalanan koba kung bakit ako pinanganak na fhugie?
Pumasok ako sa loob ng unit namin at nadatnan ko namang basag ang isang flower vase at - what the heck!
Nakahandusay si Cxyryl sa sahig at duguan ang kamay niya?! Oh my god ano na namang pinaggagawa niya rito?
Dali dali ko siyang nilapitan saka pinulsuhan and thanks god kase tumitibok pa ang puso niya ang kaso hindi siya humihinga.Binuhat ko naman siya saka nagmamadali lumabas ng unit.Hindi kona alintana ang mga taong nabubunggo ko basta ang importante ay maidala ko kaagad siya sa hospital.
___
Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa manibela."f**k!"i cursed not only twice but trice.Its all my fault masyado kong inuna si Nathalia without knowing na nag aagaw buhay na ang babaeng mahal ko.
Ilang minuto lang ay nakarating na kame sa hospital na agad naman kameng sinalubong ng mga nurses na may dala dalang stretcher.Saka nila kinuha sa mga kamay ko si Cxyryl.
Nasa labas parin ako ng ER naghihintay ng biglang lumabas ang doctor.Kaya nagmamadali akong tumayo para malaman kung ano ng lagay niya.
"Ikaw ba ang kamag anak ng pasyente?" tanong ng doctor sakin na agad naman akong nag nod
"Im her husband"confirmation ko sa pag nod ko kanina na ngumiti naman siya " Kamusta napo ang lagay niya doc?Okay naman po siya diba?"
Nag nod ang doctor "Yes shes good may nangyari nga lang shocked sa body parts niya at nagkakapasa nalang siya bigla.Alam mona ba ang tungkol sakanya?"umiling ako.Ano bang tungkol sakanya ang ibig sabihin niya?
"Kapag nasasaktan siya both physical and emotional may mga parts ng katawan niya ang kusang bubukas at aagos bigla ang dugo na akala natin ay nasugatan siya but in her case normal lang ito sakanya sadyang parte na ito ng katawan niya pero ang kinatatakutan natin ay ang paghina ng puso niya kaya siya nahihirapang huminga but as of now shes out of danger pero kinakailangang hindi na to mauulit dahil pwede siyang operahan" ganun?May sakit siya sa puso? Bakit hindi koto alam? How jerk i am!I hate my self for being a jerk!
"Take this as an advice Mr.Sy,Cxyryleen is a fragile and you need to protect her or else you lose her"pagkasabi nun agad siyang tumalikod saka umalis.Habang ako laglag ang panga sa narinig tama ba siya na dapat kona talaga siyang protektahan dahil kung hindi mawawala siya?Kung ganun gagawin kona yun simula ngayon.I cant afford to lose her kaya kahit na anong mangyare poprotektahan ko siya at hindi ko siya sasaktan.Nangangako po ako.
_____________________
CXYRYLEEN'S POV
Nasan ako?Bakit may dextrose dito sa tabihan ko? What the heck?Dont tell me na nasa hospital ako?
Napaupo naman ako at tinignan ang - bat may taong matutulog sa upuan?I tilted my head para makita ko ang mukha niya - ops hanep ang gandang bungad may gwapo dito ah pwede nato pang almusal.Agad naman itong nagising saka lumapit sakin.Kaya mabilis akong nag iwas ng tingin - si kumag pala.Teka bat siya nandito? Diba nandun siya kay Nata de coco sa clinic?
*FLASHBACK*
Matapos kong lumabas ng Deans Office dumiretso nako sa room namin saka ko kinuha ang bag ko ng mapansing wala roon ang kumag kaya tinanong ko si Aira ang sabi nito nasa clinic niya raw ito nakasalubong.Abat may oras pa talaga siya para dalawin ang Nata de coco na yun samantalang ako ni hindi niya man lang sinamahan sa Dean.
Madali kong tinungo ang clinic and guess what anong naabutan ko?Niyakap lang naman niya ang Nata de coco na yun.I cant stand what i see so i decided to leave that place at umuwi nalang.I skipped my last class para lang malayo sa lugar na yun.
Seeing him hugging with another girls really kills me.Anshaket sa heart.
Dumiretso nako sa bahay saka ako biglang nakaramdaman ng paghihina ng matapos akong maligo.Basta ang alam ko bigla akong natumba and then everythings went black.
*END OF FLASHBACK*
Lumapit ito sakin " Kamusta ang pakiramdam mo wifey!"hinawakan niya ang dalawang palad ko saka iyon pinisil pisil.Hindi ko naman siya pinansin.Tch bahala sakanya.
"Bat nandito ka?" nagpipigil lang talaga ko ngayon dahil kung hindi baka kanina pa nasira ang mukha niya.Nag smile pa ito saka ako niyakap.
"Thankyou dahil nagising kana an-ang a-kala ko iniwan mona ako" teka umiiyak ba siya?Hay punyeta siya matapos siyang makipaglandian dun sa Nata de coco niya lalandiin niya naman ako?Ano ba ako para sakanya? Laruan? Kung ganon man isa lang ang masasabi ko sakanya NAPAKA PUNYETA NIYA TALAGA PESTE!
"Lumayo ka nga!"asik ko sakanya na bigla naman siyang humiwalay sa pagkakayakap sakin saka ako pinasadahan ng tingin.
"Whats wro-"i cut him off
"Bat nandito ka?Diba dapat nandun ka kay Nathalia?Siya nalang alagaan mo okay lang ako im strong i can handle myself and i can manage without your help so you can go" nag iwas nako ng tingin sakanya.
"Wifey dont do this to me!"
"Nathalia needs you so go!" asik kopa sakanya ngunit para lang siyang na estatwa sa kinauupuan ni hindi ito tuminag.
"Wifey naman ehh hindi ko siya gusto at okay na siya a-"
"Yeoji can we just stop this?Pagod nakong i want a peaceful life at - magiging peaceful lang ang buhay ko kapag naghiwalay na tayo- " bwiset di pako tapos ehh pinutol niya na agad
"No dont talk such a nonsense things dahil alam kong alam mo na kahit anong mangyare hindi ako makikipaghiwalay sayo"
"Dont worry I'll talk to mom and dad a-" punyeta lang talaga ehh hindi pako tapos ano ba?Bakit pabigla bigla niya nalang akong hinahalikan?Tinulak ko siya but sadly he's strong enough kaya sumurrender nalang ako.
Hingal na naghiwalay ang mga labi namin.Tinitigan niya ako sa mata gusto kong umiwas pero hindi magawa parang may magnet sa titig niya na ayaw nitong pakawalan ang mata ko.
"Itatak mo to lahat sa bumbunan mo KAHIT ANONG MANGYARI HINDI AKO MAKIKIPAGHIWALAY SAYO CXYRYLEEN NICHOLE SANCHEZ-SY NAIINTINDIHAN MOBA?" saka ako neto niyakap ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita Cxyryl my Wifey!" madamdaming saad neto saka ako hinalikan sa ulo.
Panghahawakan ko yan YEOJI EZEQUIEL SY kahit pa na araw araw akong makikipagbasagan ng bungo.i said to my self.
"Mahal na mahal din kita Yeoji ko!" i hugged him back.