Anasandra's POV
"Good Evening, Ma"am Anasandra", masayang bati sa akin ng mga katulong matapos kong bumaba sa Kotse.
Nandito ako ngayon sa Mansion for a Family Dinner. I was wearing a Coat Dress kasi medyo nilalamig ako. Mabuti hindi na masakit ang puson ko dahil sa gamot na binigay ni Doctor Hayes.
"Nasa Dining table na po silang lahat, Ma"am", dagdag pa ng isang katulong namin.
"Good evening. Okay, thank you", sagot ko sa kanila habang naglalakad na ako papunta sa Dining Room.
Our family is a Billionaire kaya ganoon na lamang kalaki ang Mansion namin. Kitchen Area pa lang ay katumbas na ng isang bahay na may limang kwarto.
Nag gagandahan din ang mga Chandeliers sa itaas. Idagdag pa dyan ang mga naglalakihang Paintings mula sa mga sikat na pintor dito sa Pilipinas at sa buong mundo. Ang dami ding mga antique na naka display sa paligid ng Mansion. The interior design of the whole mansion was quite expensive, pero bihira lang ako umuwi dito kasi may Penthouse naman ako.
Naabotan ko silang nag uusap habang hinihintay ako. Si Grandmother, Daddy at Mommy lang ang andoon. Wala ang kapatid kong si Benjie.
"Anasandra, Apo! Come here, Apo ko", masayang anyaya ni Grandmother sa akin. Agad akong lumapit sa kanya para hindi na ito tumayo.
"Good evening, Grandmother. How are you ? Namiss po kita", nakangiti kong saad habang niyayakap siya at hinalikan sa mga pisngi. Matapos kay Grandmother at pumunta ako sa upoan nila Mommy at Daddy para humalik din sa mga pisngi.
"Hello, Mom and Dad. Namiss ko din po kayo. Where is Benjie, by the way? Wika ko matapos makaupo sa hapag kainan.
"Busy sa Hospital ang kapatid mo.You look gorgeous, anak. Kumusta ang araw mo? Exhausted as usual, right? Namiss ka din ng Daddy, Lola, at kapatid mo. ", nakangiting saad ni Mommy Vilda.
"Your mommy is right, we missed you. Bihira ka kasing umuwi dito sa Mansion. Sa teleserye na lang umaabang ang Mommy mo para makita ka. Syempre, ang Grandmother mo miss na miss ka araw-araw ba namang nakatingin sa mga larawan mo. Araw-araw din umaabang ng mga balita patungkol sayo sa Television", Natatawang saad ni Daddy.
"Si Mommy at Grandmother talaga. Hayaan nyo po at isisingit ko sa Schedule ang pag dalaw sainyo kahit once a week lang", nakangiti kong saad habang nag sisimula na silang kumain.
"Salamat, Apo.Kumain kana muna bago pa lumamig ang pagkain", si Lola yon.
"We had something to tell you, Ana. It will benefit your Grandmother and our Family", seryosong saad ni Daddy habang humihiwa ng Steak.
Napa angat ako ng ulo at isa-isang napatingin sa kanila.
"Go ahead, Daddy", mahina kong pag sagot, pero may idea na ako kung ano ang sasabihin nila sa akin.
It is about the fvcking arranged marriage with someone who I did not meet.
"You need to get married as soon as possible. The condition of your Grandmother's heart is not okay. She needs an operation", pag imporma sa akin ni Daddy.
Hindi nga ako nagkakamali. Hay naku. Nagkunot-noo ako dahil sa narinig.
"Ano po ang koneksyon ng Operation ni Grandmother sa Love life ko? Look, Dad, Mom", saad ko kapag kuwan ay napatingin din ako kay Grandmother.
"Lola, do I need to get married for your operation? Please, paki-explain naman po kung bakit? We had a lot of money, and the operation with an expert Doctor outside of the country is 100 percent possible" , nangungusap kong saad kay Lola.
"You need to get married as soon as possible for my Operation. Magpapa opera lang ako kapag kinasal kana", matigas na wika ni Grandmother.
"Lola naman. Nasobrahan kana po kakapanood ng mga K-dramas kaya nagkaroon ka ng idea na gawin yan para mapilitan akong magpakasal", kunot-noo kong saad habang hindi makatingin ng deristo sa akin si Grandmother.
Sa Edad kasi ni Grandmother na 70 ay ang hilig pa rin manood ng mga K-dramas. Kinikilig nga palagi. Namimiss niya daw si Grandfather sa tuwing nanonood siya ng K-drama. Isang dekada na kasi ang nakakalipas noong namatay si Lolo dahil sa High Blood kung saan nagka complikasyon sa kanyang Puso.
"Wa-walang kinalaman ang mga K-dramas sa desisyon ko. You need to get married and have children kasi sasara na yang Pempem mo. Hayy naku, Anasandra. Ang ganda-ganda mong babae, pero bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring Boyfriend? Don't tell me babae din ang gusto mo? Di ba na-uuso na yon ngayon? Lalaki sa lalaki at babae sa babae", seryosong saad ni Lola dahilan para masamid ako.
"Grandmother naman. Hindi po ako G@y. I am straight, and I am into Men"
"Then patunayan mong hindi ka T0mboy. Magpakasal kana! Everything was already sets. You need to meet him as soon as possible", matigas at seryosong saad ni Lola.
"Grandmother, bakit biglaan naman po ? I am not ready for an Arranged Marriage. Gusto kong makasal sa lalaking mahal ko", nangungusap kong saad.
"Kung may lalaki kang iniibig ngayon, then present him to us para makilatis namin"
Napabagsak ako ng mga balikat at napatingin kina Mommy at Daddy.
"Dad, Mom? Please, ayaw ko pa pong makasal lalo na sa lalaking hindi ko naman kilala at mahal"
"Tama ang lola mo. Nagkaka edad kana, Ana. Kailangan mo ng maikasal para magkaroon na kami ng mga Apo", si Daddy yon.
"Mommy?
Napatango si Mommy dahilan para mawalan na ako ng pag-asa na makatakas pa sa ganitong sitwasyon.
"Makinig kana lang sa amin, Anak. Kailangan ng maoperahan ng Lola mo. Kailangan mo na ding magkaroon ng Fiance kasi nababahala na kami saiyong pagkatao. Starting your teenage life ay wala ka man lang ipinakilala sa aming lalaki na iniibig mo. It is normal for us na mapaisip kung bakit. You have a successful career at napapaligiran ka ng mga nag ga-gwapohang mga artista, pero wala kaming nababalitaan na nalink sayo kahit isa", seryosong saad ni Mommy.
Kinikwestyon pala nila ang pagkatao ko? Ghad, Babae ako na nagkaka gusto lang sa Lalaki. Hindi ako Bi-s*xual na nagkakagusto sa same gender. Babae ako na na-aatract at nililib0gan sa opposite gender. Grabe ang kaisipan ng Pamilya ko, hindi ko kinakaya.
Ulyanin na ata si Grandmother para gamitin ang pagigi kong Berhin upang maikasal na ako para sa kanyang Operasyon.
Ibig sabihin ay sa akin nakasalalay ang buhay ni Lola. Hayy naku, pagod at stress na nga ako sa trabaho tapos dumagdag pa itong kagustohan ng Pamilya ko.
"Straight po akong babae na nagkakagusto sa Lalaki. My Ghad! I have no idea why you guys think that about me! Okay. Fine, but please make sure na Green Flag ang lalaking ipapakasal nyo sa akin", naiinis ko ng saad sa kanila.
"Doctor Hayes Montemayor is a Green Flag for me, Anak. I am a Doctor too kaya nakasama ko na si Doctor Hayes sa iisang Hospital", seryosong pag imporma ni Mommy sa akin dahilan para muntik na akong mabilaokan sa Steak na ginunguya ko.
"I am hearing it right? Ang lalaking ipapakasal nyo sa akin ay si Doctor Hayes Montemayor? But, why him? Give me a deep explaination why him?", kunot noo at nabibigla kong tanong sa kanila.
" Mas makakabuti sayo na Doctor ang mapangasawa mo Apo para may mag-aalaga sa iyong kalusogan. Besides, praning ka pagdating sa Health mo. Nakagat lang ng lamok ay magpapa Hospital na agad. Nasugatan lang mula sa Kutsilyo, magpapa Hospital na agad. Nauntog lang ang ulo sa Window Car, mag papa check up na agad kasi iniisip mo na baka magkaroon ka ng Tumor sa ulo. Sumakit lang ang dibdib,sasabihin mo agad na baka may sakit ka sa Puso. Lagi na lang nasa bunganga mo ang linyang "I am dying? "No! I am not going to die V*rgin" . "Mamamatay na ako sa sakit, please I need a Doctor", wika ni Lola kung saan ginagaya niya pa ang boses ko habang sinasabi ang mga linyang iyon.
Natawa sina Mommy at Daddy dahil sa inasta ni Grandmother. Pati ako ay natatawa din.
Napansin pala nila ang pagiging kong Praning at OA. Totoo naman na ganoon ako, pero kailangan ba talaga na sa isang Doctor na katulad ni Hayes ang ikakasal sa akin?
"Saan ba ako magmamana ng pagiging OA at praning. Sainyo lang naman po, Grandmother", kunot noo kung saad.
"Correction, hindi ako OA at Praning. Hindi din ganoon ang Daddy at Mommy mo. Technically, ikaw ang unang PRaning at OA sa pamilya"
"Grandmother naman! Ayaw ko pa pong makasal. 27 years old pa lang naman ako. Uso naman ang ikasal sa edad na 40,right?
Napabuntong hininga si Lola
"So, it is your plan to get married at the age of 40 kung saan sarado na yang Pempem mo? You need someone like Doctor Hayes Montemayon. Lagi mong sinasabi na "I am dying, and I need a Doctor". Then, ibibigay namin sayo. Magpapakasal kayo sa ayaw at sa gusto mo"
Binitiwan ko ang hawak-hawak na Steak knife dahil nawalan na ako ng gana para kumain.
Sa dinami daming lalaki sa mundo ay bakit siya pa ang gusto nila Lola na ikasal sa akin? Sabagay siya ang unang lalaki na nakakita sa Bilat ko. Nahihiya ako dahil sa nangyari noon tapos magkikita pa pala kami at magpapakasal? Nasisiraan na ako ng ulo dahil sa mga nangyayari