Chapter 8

1372 Words
Anasandra's POV Plano ko sanang pumunta ng maaga sa Hospital kung saan matatagpoan ang mapapangasawa ko, kaso may taping pala ako from 8:30 am to 12:00 pm. Pang tatlo at huling set na ito kaya pwede na akong umalis pagkatapos ng scene. "Wag nang mag ingay! Anasandra and Joshua, be ready! Okay na ba yong sound? ", sigaw sa amin ni Direk Jam "Okay po,Direk", sagot ko naman sa kanya. "Roll Camera! Okay, in 3-2-1 Action" Nakatitig kami sa isat-isa ng aking Love team sa teleserye para sa taping ngayong araw. Hahalikan niya ako base doon sa script na binigay ni Direk sa amin.Kinabig niya ako papalapit sa kanya habang nangungusap ang mga matang nakatitig sa akin. Nakahawak din ang isa niyang kamay sa pisngi ko. "I love you, Inah" , wika niya sa akin. Inah ang pangalan ko sa Teleserye na iyon. Artista ako kaya kaliwat-kanan ang taping ko. Minsan nga ay nalilito na ako kasi iba-iba ang Role na ginagampanan ko. "I love you too, Mike", saad ko naman bilang pagsunod sa script. Malawak siyang napangiti sa akin habang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Lumapat ang mga labi niya sa labi ko. American Kiss ang ginawa naming scence kung saan madiin at mainit niyang akong hinalikan habang hindi gamit ang mga dila. Berhin pa ang Bilat ko, pero hindi na ang mga labi ko. Artista ako kaya hindi maiwasan ang ganitong mga scence. Bilang pagsunod sa script na binigay ni Direk ay madiin at mainit din akong tumugon sa mga halik niya para mas maging makatotohanan sa mga manonood ang pagmamahalan naming dalawa sa Teleseryeng iyon. "CUT! Bravo, Bravo! Ang galing!", pumapalakpak na sigaw ni Direk Jam. "That's a wrap", dagdag niya pa. Dumistansya na kami sa isat-isa matapos ang eksenang iyon. Bilang artista na matagal na sa entertainment industry ay wala na iyong malisya sa amin. We are kissing, and hugging in front of the cameras as a Professional actress and actor. "Good job, Anasandra", nakangiting saad sa akin ni Joshua. "Good job too", nakangiti kong sagot. May Girlfriend na si Joshua at hindi kami permanenteng mag ka love team sa lahat ng movies and teleserye. Paiba-iba kasi ang mga love team ko. Patapos na ang Teleserye namin kaya panibagong ka love team na naman sa aking next project. "I need to go, Anasandra. May date kami ng Girlfriend ko. Mag papaalam na din ako kay Direk", mahinahon na paalam ni Joshua. "Okay. Okay, Enjoy on your date", nakangiti kong sagot. "Ang galing naman talaga ng alaga ko. Gutom kana? May pagkain doon sa Tent", Masayang wika sa akin ni Mama Carla habang pumapaypay ito gamit ang kanyang kulay pink na Abaniko. May ribbon din ito sa kanyang ulo. "Thank you, Mama Carla. Syempre, expert na ako dyan", pagmamayabang ko sa aking Manager. Ngumiti ito sa akin sabay punas ng aking mga pawis. "Nasaan ba ang personal assistant mo at hindi ka pinupunusan ng pawis. Halika na at kakain tayo" "May assigned task ako kay Lea, kaya wala siya dito. Nga pala, Mama Carla sa labas na po ako kakain.Ba-bye", nagmamadali kong saad sa kanya. Walang nagawa si Mama Carla para pigilan ako.Pupunta ako ngayon sa Hospital. Matapos ang halos kalahating oras ay nasa Romualdo Montemayor Memorial Hospital na ako. Kagabi ko lang napagtanto na ang Lolo ni Doctor Hayes Montemayor ang may- ari ng Hospital na ito. Ibig sabihin ay si Hayes ang tagapag-mana ng malaking Hospital na ito? Sabagay siya ang Vice President ng Hospital bukod sa pagiging Doctor. Kaya naman pala mahilig sa Bilat kasi literal na mayaman din. Nakadisguise ako kasi hindi ako pu-pwedeng makilala ng mga tao sa loob ng Hospital. Baka magawan ako ng issue na mayroon akong malalang sakit kaya ako nandito. Bilang artista ay kailangan kong umiiwas sa mga posibilidad na pwedeng ibato sa akin ng mga taong gusto akong siraan. Nakapag set na ako ng Appointment kay Doctor Hayes kaya papasok na lang ako ng saktong ala una sa office niya. Kumatok na muna ako sa Pinto. Nakasalukbong ako ng balabal at naka sun glasses. Nakatalikod siya sa akin matapos kung makapasok. As usual naka suot siya ng puting gown na sinusuot ng mga Doctor. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Wala naman rason para kabahan ako di ba? Napapiyok ako ng biglang humarap sa akin ang gwapo at walang reaksyon niyang mukha. "Hi, I am back", awkward kong pagbati sa kanya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Para akong tanga at lutang na hindi alam ang gagawin sa harapan niya. Nahihiya pa rin ako sa ginawa ko noong una naming pagkikita. Grabe, bakit ba naman kasi ako bumukaka agad sa harapan niya. Ayan tuloy nakita niya ang perlas ng sinilingan ko. "You are here again. Masakit na naman ba ang tiyan mo?, nakasimangot niyang tanong sa akin. Napakurap ako at matipid na ngumiti sa kanya. Kahit nakasimangot ay napakagwapo at hot pa rin ni Doctor Hayes. Paano na lang kung ngumiti siya sa harapan ko. Yong totoong ngiti. Baka mahimatay ako sa sobrang kiliti na dulot ng pag ngiti niya. "Take a seat", dagdag pa niya matapos maupo sa kanyang swivel chair. "Bakit, bawal bang magpa Hospital kapag may sakit na nararamdaman"?, taas kilay kong saad sa kanya matapos kong makaupo. "Okay. Ayaw ko ng makipag debate pa sayo. Tell me, ano ang nararamdaman mo ngayon. Gagamotin kita kasi baka mamatay ka na naman sa pagiging OA mo", pilosopo niyang saad sa akin. Namula ako dahil sa kakaibang paghanga na naramdaman sa Binata. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng Karisma ni Doctor Hayes. "Masakit ang puso ko. Gamotin mo ang puso ko, Doc", pabebe kong saad sa kanya. "Ayan ka na naman. Nagsisimula ka na naman sa kabaliwan mo", naiinis niyang saad. "Seryoso ako, Doc. Kailangan mong gamotin ang puso ko" Nanatili itong nakasimangot habang nire-ready ang kanyang Stethoscope. "Okay. Let's see kung may Abnormal ba sa Puso mo", walang emosyon siyang tumayo at umupo sa harapan ko. Sunod-sunod akong napalunok nang lumapit pa siya lalo sa akin. "Unbotton yong Shirt", utos niya sa akin dahilan para mamula ang aking mga pisngi. "Wa-what do you mean? Ano ang gagawin mo sa akin?" garalgal kong tanong. Ibig sabihin ay totoo talaga na fvck boy ang Doctor na ito? Bakit niya pinapabukas ang butones ng Shirt ko. wika ko sa isip. "Unbotton your shirt kahit sa taas lang kasi ipapasok ko ang dala-dala ko", dagdag niya pa. Nanlaki ang mga mata ko matapos marinig iyon. "Ipapasok mo ang dala-dala mo? Saan mo ipapasok? Ikaw ha, nakita mo lang ang bilat ko noon tapos ngayon ay gusto mo ng ipasok", naiinis kong wika sa kanya habang nanatili siyang kunot noo na nakatitig sa akin. "Watch your language,Miss Anasandra. Ano ba yang pinagsasabi mo? Buksan mo ang isang butones mo kasi ipapasok ko ang dala kong Stethoscope malapit sa may Chest mo para malaman ko kung may abnormal bang nangyayari dyan sa Puso mo", nakasalubong ang mga kilay niyang saad sa akin habang malapit na kami sa isat-isa. Amoy na amoy ko ang bango ni Doctor Hayes. "Kailangan ba talagang buksan? " "Bahala ka na nga sa buhay mo. Yong totoo may sakit ka ba sa puso o sa utak"?, naiinis niyang tanong sa akin. "Ito na. Bubuksan na. Ipasok mo na yan kasi bubuksan ko na", pabebe kong wika habang binubuksan ang dalawa kong butones. Sabi niya ay isa lang daw, pero dalawa na ang binuksan ko para mas lalo niyang makita ang pinagmamalaki ko. "One button is enough. Ang kulit mo talaga", naiinis niyang saad matapos ilagay ang Stethoscope malapit sa aking Dibdib. Nakaramdam ako ng init sa aking katawan. Maigi niyang dinidinig ang tib0k ng aking puso, pero alam kong mabilis iyon dahil sa kanyang presensya. Nanatili kami sa ganoong posisyon. Sobrang lapit namin sa isat-isa. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang hininga. Pati pabango niya ay nakaka adik din. Lalaking-lalaki ang Amoy. Napapiyok ako ng biglang magtama ang mga mata namin habang halos magkadikit na ang aming mga mukha. Ang ganda ng mga mata niya. Si Doctor Hayes Montemayor ang mapapangasawa ko, pero sana ay walang katotohanan ang sinabi ni Serena na isang Fvck Boy si Hayes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD