Anasandra's POV "What? Are you crying? Inaabot ka na naman ba ng kabaliwan mo. Mamaya pa ang taping mo kaya wag kang umiyak dyan, Anasandra. Don't tell me dito ka na nagpa practice para sa drama mo mamaya?", naiinis na saad sa akin ni Hayes habang malungkot akong nakatitig sa kanya. Tumutulo na pala ang mga luha ko dahil sa emosyon na hindi ko maintindihan. Agad kong pinunas ang aking mga luha gamit ang aking damit at tumayo. Matipid akong ngumiti sa kanya. "Oww, sorry. Iniisip ko kasi ang script ko mamaya at hindi ko maiwasang maluha kasi nakaka-iyak iyon", pag sisinungaling ko sa kanya. Lumapit sa akin si Hayes at hinawakan ako sa mukha. Hindi ko maiwasang pag mulhan ng mga pisngi. "Baliw ka talaga. Tissue ang ginagamit para sa mga luha hindi damit", kunot-noo niyang saad habang p

