"Talaga?" Tumaas ang kilay nito, pero nagtaka siya nang tumayo ito at pinagtabi ang plato nila bago ito lumipat sa tabi niya.
"Bakit lumipat ka pa?"
"Para mas makita kong mabuti kung ano ang ginagawa ng babae na 'yon. Curious ako e."
Hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Ngayon lang niya napagtanto na gutom rin pala siya, kaya habang nakatingin si Althea sa kabilang lamesa ay kumuha siya ng kanin sa isang plato nito na kanin lang ang nakalagay. Iba pa ang plato nito na nilalagyan ng ulam na may kahalong kanin.
"Hayaan mo na lang siya. Hindi mo mauubos ang pagkain mo kung babantayan mo yung babae."
"Pero hindi naman pala siya single. Nakikita mo ba yung lalaking katabi niya, jowa niya 'yon."
Tumingin siya sa gawi nung babae, pero nagtataka siya na nakatingin pa rin ito sa kanya, pero ang kinagulat niya ay yung tumingin rin sa kanya ang sinasabi ni Althea na boyfriend daw nung babae. Kumunot ang noo ng lalaki at nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanya at sa girlfriend nito. Bigla itong tumayo at lumapit sa kanya.
"Nakakalalaki ka na brad. Kanina ka pa tumitingin sa girlfriend ko. Gusto mo ba siyang ahasin sa akin?!" May kalakasan nitong saad.
"Hindi ko tinitingnan ang girlfriend mo. Nagkataon lang na napapagawi ang tingin ko sa side niyo, pero hindi ko sasadyain na tingnan yung babae."
Nagpagalutok ito ng mga daliri, mukhang lalaban ito.
"Teka nga! Puwee bang bumalik ka sa upuan mo ikaw na kutong lupa ka! Excuse me, may girlfriend siya, at ako 'yon. Hindi mo ba ako nakita? Katabi niya ako, hello!"
Parehas silang napatingin nung lalaki kay Althea na mataray na nakatingin sa lalaki.
"Hindi ako naniniwala. Baka kapatid ka lang niya, para maligtas sa pagkabasag ng mukha 'yang lalaki na 'to!"
"You want proof? Okay."
Humarap si Althea sa kanya at bahagyang ngumiti, pero nang hinawakan nito ang pisngi niya ay bahagya siyang kinabahan dahil alam na niya ang gagawin nito.
"Teka—"
Hindi pa man natatapos ang sasabihin niya ay lumapat na ang labi nito sa labi niya. Napalunok siya dahil gumalaw ang bibig ni Althea na parang deep kiss na ang ginagawa nito. Sinubukan niyang itulak, pero patuloy parin ito sa paghalik Nakatingin na rin nag ilqng tao sa kanila. Masyado na silang nakakakuha ng atensyon.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso nito at puwersahan na nilayo sa kanya. Lumingon naman ito sa lalaki.
"Ano? Libreng show din 'yon, kaya puwedeng umalis ka na rito at bumalik ka sa girlfriend mo at siya ang pagalitan mo at kung nakatingin sa boyfriend ko ay guato niyang agawin!" Yumakap pa sa kanya ai Althea. "Kung ako sayo bumalik ka na doon sa lamesa niyo at tanungin ang girlfriend mo. Bilis!!"
Masama namang tumingin ang lalaki sa kanya bago umalis sa harap nilang dalawa ni Althea. Naguluhan naman siya nang umupo ulit si Althea at kumain na parang walang nangyari. Samantalang siya ay hindi na mapaliwanag ang nararamdaman sa ginawa nito sa kanya.
"Sa akin na lang 'to. Mukhang busog ka na." Kinuha nito ng walang ka-arte-arte ang kanin at ulam niya. Walang tinira kahit isang piraso ng kanin si Althea ng maubos nito lahat ng pagkain sa ibabaw ng lamesa.
"Parang sasabog ang tiyan ko sa dami kong nakain." Hinimas-himas nito ang tiyan at tumingin nsa paligid. Umalis na nga pala ang dalawang magkasintahan na mukhang nagtatalo habang naglalakad.
"Sa ginawa mo kanina." Panimula niya. Lumingon naman ito sa kanya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Bakit mo ginawa 'yon?"
"Ang alin yung halik ba?"
Iniwas niya ang mata niya dahil hindi siya makatitig ng matagal sa mata nito ngayon.
"Para wala ng gulo na mangyari. Baka magsuntukan pa kayo, mas mainam ang ginawa ko."
"But... hindi ka nagpaalam kung gusto ko ba ang gagawin mo."
Nagsalubong ang kilay nito. "Mukhang nagustuhan mo naman dahil nagtagal."
Napahilot siya sa sintido niya at napailing. "Hindi mo naiintindihan. Dapat hindi mo pa rin ginawa. Kayang-kaya ko yung lalaki na 'yon."
"Nagawa ko na kaya magpasalamat ka na lang, o kaya kahit hindi na dahil parang bayad na rin ang paghalik ko sayo. By the way, ang sarap pala ng ulam mo nang natikman ko s alabi mo."
Napakamot na lang siya sa likod ng tenga niya sa sinabi nito.
Uminom muna ng tubig si Althea bago tumayo. "Halika na uwi na tayo."
"Paano pa tayo makakauwi, kung ubos na ang pamasahe natin dahil kumain tayo?"
"Tatawagan ko na lang yung driver ni daddy para sunduin tayong dalawa."
"Bakit hindi mo agad naisip 'yan kanina?"
"Wala pang laman ang tiyan ko kaya hindi gumana. Ngayon na meron na ay nakapag-isip na ako, at saka hayaan mo na dahil busog naman tayong dalawa."
Lumabas sila ng karinderya at pumunta sa lugar na malilim. Tumawag na si Althea sa driver ng tatay nito, at pumayag naman na sunduin sila.
"Okay na. Maghintay na lang siguro tayo ng ilang minuto." Sumandal ito sa pader habang tinitingnan ang mga tao na nagdadaan. Hindi talaga niya maisip na parang balewala lang ang ginawa nito sa kanya, pero mas lalong hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit masyadong big deal para sa kanya ang halik na 'yon, na dapat ay parang wala lang rin sa kanya dahil tulong lang naman ang ginawa nito at walang halong malisya.
"Alrhea."
"Uhmp?"
"A...wala." Tumingin siya sa harap dahil hindi na niya kayang pag-usapan pa muli ang ginawa nito sa knaya. Mas awkward na sa kanya kung sakali.
Ilang beses sandali na paghihintay ay dumating na ang kotse ng tatay ni Althea. Sumakay agad sila kaagad dahil mainit sa labas, at parating na rin ang araw sa puwesto nila. Magkatabi sila ngayon sa loob ng kotse sa likuran.
Habang naglalakbay ang kotse pauwi ay nakatingin lang siya sa bintana. Sikat na sikat ang araw sa labas. Masyadong maliwanag ang paligid sa tindi ng sikat ng araw. Biglang may tumugtog na music, pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit lumingon siya kay Althea.
Kitang-kita niya ang kabilang side ng mukha nito habang nakatingin sa harap. Nakasandal din pala ang ulo nito sa upuan. Bigla itong lumingon kaya mabilis na umiwas siya at hindi na inalis pa ang paningin sa labas ng bintana.
"I see you, Pheonix."
Napapikit siya at hindi na lumingon. Paniguradong pang-asar na itsura ang ipapakita nito sa kanya dahil nahuli siya nito na nakatitig.
Hanggang sa makauwi sila sa bahay ni Don Vistre ay hindi siya umiimik kahit may tinatanong si Althea sa kanya habang nakasunod ito hanggang sa kwarto nilang dalawa.