4 - Highblood

1167 Words
Althea Habang nakatalukbong ng kumot ay bahagyang tinablan na siya ng antok. In fairness hindi siya namahay. Sabagay dito naman talaga siya natutulog noon pa man. Patirik na sana ang mata niya na ibig sabihin ay tuluyan na siyang makakatulog nang biglang may malakas na mga salita siyang narinig. Inalis niya ang kumot sa ulo niya at lumingon sa kabilang higaan. Hindi pa ba ito inaantok? "Hoy ikaw! Nakuha mo pa talagang manuod ng movie dito sa kwarto ko kung kailan patulog na ako!! Kung gusto mong manuod, doon ka sa labas!!" "Nagpapa-antok ako kaya dito na lang ako sa kwarto." "Puwes hinaan mo o maglagay ka ng earphones diyan sa tenga mo!!" gigil niyang sigaw. Tumingin ito sa kanya. "Highblood ka naman masyado. Baka pumutok 'yang ugat sa ulo mo. Maiiwang mag-isa ang tatay mo." "Sundin mo na lang ako! Ang dami mong sinasabi! Baka nakakalimutan mong dalawa tayo sa kwarto, ikaw ang mag-adjust dahil inaantok na ako!!" Muli itong tumingin sa screen ng phone. "Wala akong earphones." Napakamot siya sa leeg niya. Sa halip na aantukin siya mukhang magigising pa ang dugo niya dahil kumukulo sa lalaking 'to. Hindi man lang marunong makiramdam. Inis siyang tumayo at hinalungkat ang cabinet niya para humanap ng earhones o headset, pero sadyang wala siyang mahanap at nakadagdag pa sa inis niya. Inikot niya ang mata niya sa kwarto at binuksan lahat ng drawer niya doon, pero kung hindi sira ang wire, wala yung isa. Kalma, Althea. Mas lalong mawawala ang antok pag na buwisit ka. "Mahina naman itong speaker ko. Bakit naririnig mo pa rin?" Tumignin siya kay Pheonix. "Natural sobrang tahimik ng paligid, kaya rinig na rinig ko pa rin!" "Okay." Nilapag nito ang phone sa tabi. "Matulog ka na." Duda siya sa ginawa nito, pero pumunta na ulit siya sa kama niya at humiga. "Huwag kang maingay. Sasapakin talaga kita!" Tinalikuran niya ito at saka pumikit. Nakiramdam muna siya ng ilang minuto siguro bago siya tangayin ng antok. Time Check 7:00am... Nakaupo na sila ngayon sa harap ng almusal na nakalagay sa ibabaw ng lamesa kasama ang siraulong lalaki na hindi talaga siya pinatulog. Akala niya ay okay na at nakaidlip na siya, pero nagising na naman siya noong nanuod na naman ito, kaya buong katawan niya gising pati kaluluwa niya, hanggang sa makatulog na lang ulit siya mga isang oras bago siya narito ngayon sa harap ng pagkain. "Althea. Nangingitim ang ibabang bahagi ng mata mo, dahil ba 'yan sa kolorete mo sa mukha kagabi o hindi ka natulog?" tanong ng daddy niya. Bigla nag-iba ang mood niya na nakatulala lang kanina. "Dad, bakit hindi mo naman sinabi na makakasama ko pala 'tong kumag na 'to sa kwarto ko? Ang daming ibang kwarto. Bakit doon mo siya pinag-stay?!" "Para mas mabantayan ka niya." "Anong mas mabantayan? Baka mamatay ako dahil sa anemic. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kanya!" "Masasanay ka rin, Althea. Alam kong gagawa ka pa rin ng kalokohan kahit my bodyguard ka pa, kaya mas mabuting kahit sa gabi ay nasa paligid mo si Pheonix." Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya. Magkakaroon siya ng wrinkles at magiging walang buhay ang mukha niya dahil kulang siya sa tulog. "Hindi tinititigan lang ang pagkain, Ms. Althea, at mas lalong hindi lalapit sayo ang pagkain para pumasok diyan sa bibig mo at ngunguyain mo na lang. Gamitin mo 'yang kamay mo para makakain ka." "Dad! Narinig mo ba kung paano siya magsalita?" "Yes." "Hindi maganda ang sinasabi niya, palitan mo na lang siya!" Tumingin ang daddy niya sa pagkain sa harap nila. "Totoo naman kasi ang sinabi niya anak. Hindi lalapit sayo ang pagkain kaya gamitin mo ang kamay mo." Napanganga siya, parang siya pa ang mali at hindi anak nito. "Talaga ba dad?" Bumuntong-hininga ito. "Kumain ka na, at pagkatapos ay matulog ka ulit. Ang itim talaga ng ibaba ng mata mo." Hinawakan niya ang kutsara saka kumuha ng maraming pagkain, oo marami, dahil hindi siya kumain kagabi. Magana siyang kumakain nang magsalita ang katabi niya na si Pheonix na kulang na lang kumandong siya para lang hindi ito makalayo sa kanya. "Mauubos mo ba 'yan?" "Malamang, kaya ko nga kinuha 'di ba?!" "Baka hindi mo maubos, sayang naman." "Kaya ko 'tong ubusin kung ititikom mo 'yang bibig mo na kulang na lang alamin mo ang buong pagkatao ko hanggang sa alamin mo na rin kung paano mag-function ang bituka ko sa tiyan!" "Tsk...OA." Nagpantig ang tenga niya. Gamit ang tinidor ay tinutok niya iyon sa mukha ni Pheonix. "Kung makapagsabi ka ng OA, perfect ka ha!! Feeling ko talaga hindi ako matutunawan sa pa side comment mo na hindi ko naman kailangan!" "Huwag mong pakinggan kung ayaw mo. Napakadali lang no'n." "Paanong hindi ko papakinggan e halos magkapalit na tayo ng katawan kung makadikit ka? Rinig na rinig ko, kaya sabihin mo kung paano!!" Nanginginig na ang kamay niya na may hawak sa tinidor. Wala siyang highblood, pero parang magkakaroon na ngayon. "Althea." Natigilan siya sa boses ng daddy niya. Ibig sabihin no'n ay kailangan na niyang tumahimik. Pinandilatan niya ng mata si Pheonix na mas inuna pang buwisitin ang araw niya kaysa tapusin ang pagkain na meron pa sa plato nito. "Tapusin niyo na ang pagkain. Ako ay aalis na." Tumayo ang daddy niya at hinalikan siya sa noo. "Magpakabait ka dito anak. Ayokong tatawagan ako ni Pheonix dahil gumawa ka ng kalokohan." Umalis na rin ito kaagad pagkatapos sabihin iyon. Pinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Kahit sinira na ni Pheonix ang mood niya, basta pagkain kahit ano pa 'yon hindi siya mawawalan ng gana. "Nakapaghugas ka na ba ng pinggan?" "Hindi pa," sagot niya pero hindi na tumingin pa kay Pheonix. "Try mo kaya ng mababad 'yang kuko mo at tuluyan mo ng putulin." Napahinto siya sa balak na pagsubo, pati kuko niya problema rin nito. "Inaano ka ng kuko ko? Ako masusunod kung kailan ko gusto, pero sa ngayon ayoko." "Tsk... spoiled ka rin sa tatay mo. Halos lahat ng gawain sa bahay hindi mo alam." "Bakit ko pa kailangan malaman? May katulong ang daddy, kahit sa bahay ko meron din." Ngumisi ito at napailing. "Ang laki talaga ang nagagawa ng pera." Seryoso siyang tumingin sa lalaking 'to na mahilig mamuna. "Hindi mo siguro naisip na tulong na rin ang ginagawa namin dahil binigyan namin sila ng trabaho na may sahod na 50,000 a month. Taga-hugas ng pinggan, taga-luto, taga-laba, taga-linis ng bahay, at taga-bayad at punta ng palengke. Lahat ng iyon ay 50,000 a month. Hindi isa lang ang gagawa ng gawaing bahay, kung saan lang sila nakatoka iyon lang ang gagawin nila. Masama pa ba 'yon para sayo?" Hindi ito kumibo, aba'y dapat lang! Inubos niya ang pagkain niya bago tumayo at iniwan si Pheonix sa dining area. Kung makapaghusga kasi parang alam na ang buong pagkatao o ugali nila ng kanyang daddy. Masyado ba itong manhid kaya hindi nito pinag-iisipan kung ano ang sasabihin? Magpapahinga lang siya ng konti, saka siya matutulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD