RWMR 5- LIBRENG SAKAY

1466 Words
Regina POV "Maraming salamat, Ina," sabi sa kanya ng pinakahuling customer niya na hinatiran niya ng order nitong nakasama sa nawalang parcel kamakailan. "Naku, ako nga dapat humingi ng despensa sa inyo, Madam, medyo natagalan talaga ang pagdeliver ng parcel, mabuti nga at nakita pa," ganti niya rito. "Okay lang iyon, alam mo naman ako willing to wait, ano pa at naging suki mo ako, o eto pala ang balanse ko at keep the change na at patip ko sa iyo, bilib kasi ako sa mga single mom na tulad mo!," masayang pahayag pa nito. "Hala nag-abala ka pa Madam, ako nga dapat ang magbigay ng malaking discount sa inyo pero ako pa itong binabayaran n'yo ng sobra," deklara niya pa na iiling- iiling at hindi sana tatanggapin ang perang inabot nito sa kanya. "Huwag mo na akong tanggihan Ina, sige na tanggapin muna ito, sige na, maliit na bagay lang naman iyan," pagpupursige pa nito sa kanya kaya't sa huli ay tinanggap niya na lang at ginantihan ng matamis na ngiti si Madam Ara. "Salamat Madam!," ngiting nahihiya niyang turan. "Aysus, walang anuman at salamat din sa iyo, hanggang sa susunod na order ko naman... wait, bakit hindi ka na nagpopost ng mga benta sa page mo?," usisa pa nito. "Medyo naging abala lang ho ako sa paghanap ng nawawalang parcel, hayaan n'yo ho at magpopost na ako ng bagong items," saad niya pa. "Bakit hindi mo na lang kasi tanggapin ang inaalok ko sa iyong trabaho, at least sa club ko may tiyak kang kita araw-araw kaysa sa pag-oonline selling mo," pahayag pa nito. "Eh, okay na ho kaming mag-ina sa kinikita ko sa pagbebenta," mariin niyang giit. "Ngayon okay pa, eh paano kung pumasok na sa elementary ang anak mo, naku Ina, magastos magpaaral ng anak, kaya ako sa iyo tanggapin muna ang pagiging waitress, tamang- tama ngayon kulang na kulang ako ng mga tauhan sa club," pang-eengganyo pa sa kanya ni Madam Ara. "Naku, madam, saka na lang ho, pag-iisipan ko muna, sa ngayon hindi ko talaga puwedeng ipagkatiwala ang pagbabantay ko kay Thea sa iba lalo na at panggabihan ang pasok sa club, sensiya na talaga, aalis na ho ako," nagmamadali niyang iwas dahil igigiit talaga ng hindi katandaang matrona ang pagpasok niya sa club nito. Minsan na rin niya kasi nahiraman si Madam Ara ng pera noong nagkasakit si Thea. Maliit lang naman na halaga kaya nabayaran niya rin agad. May hindi kalakihang night club kasi ito sa bayan at palagi nitong ibinibida sa kanya na doon siya magtrabaho. Palagay niya rin kaya madalas itong mag-order ng kung ano- anong items sa kanya para himukin siyang maging waitress sa club nito. Hindi pa siya desperada para pasukin ang ganoong trabaho. May natitira pa rin kasi siyang pride at delikadesa para sa sarili. Hindi sa minamaliit niya ang mga babaeng nagtratrabaho sa club o bahay aliwan. Hindi naman kasi lahat ng mga kababaihan doon ay marumi at pakawala. Karamihan ay wala ng choice sa buhay at kapit patalim na lang upang makaraos sa araw- araw ng buhay. Para sa kanya hinding- hindi niya papasukin ang ganoong trabaho. Hindi sa nagsasalita siya ng patapos. Bilog naman ang mundo at kahit sino ay hindi makapagsabi ng kapalaran ng bawat isa. Pero para sa kanya kung marami pang ibang paraan upang kumita at para naman hindi sa ganoong trabaho babagsak ay gagawin at susubukan niya. Pakiramdam niya kasi kapag tatanggapin niya ang alok ni Madam Ara ay para na ring inilalapit niya ang kanyang sarili sa kapahamakan. Marami na siyang nababalitaan ng masasagwang gawain sa loob ng bahay aliwan. Doon din ang parating puntahan at tambayan ng mga kalalakihang hayok sa laman na siyang iniiwasan niya. Talamak ang lasingan, bastusan at hindi kaaya- ayang gawain. Ayaw niyang maexpose sa mga ganoong sitwasyon lalo na at may anak siyang babae. Gusto rin niyang maging proud sa kanya si Thea. Kahit hirap man siya sa pagbebenta ay proud naman siya sa sarili at sa lahat ng tao na sa malinis at sa marangal na paraan niya kinukuha ang ikinabubuhay nilang mag-ina. Hindi na siya nagtagal sa bahay ni Madam Ara. Ito kasi ang pinakahuli niyang hinatiran ng order nito dahil malapit lang naman sa kanyang munting tahanan. Mga dalawang blocks lang sa kalye ang layo ng bahay nito sa kanya. Plano niya na lang maglakad pauwi dahil hindi naman gaano kainit. Mag-aalas tres na ng hapon. Kanina pa siyang tanghali nagsimulang maghatid at makipagmeet pa sa kanyang mga retailers, resellers at customers. Uhaw na uhaw na siya at nakilagtaan niyang bitbitin ang water bottle niya. Gusto niya ng makauwi agad sa kanyang munting tirahan. Iniwan niya lang kasi sandali si Thea kay Aling Meding. Wala ang mga apo nito at nagbakasyon daw. Nag-alala siya para sa anak. Madali kasi itong mabagot lalo na kung walang kalaro. Minadali niya na ang paglalakad palabas ng kalyeng kinabibilangan ng tirahan ni Madam Ara. Mabuti na lang at nakadala siya ng payong. Siniguro niya ito baka kasi umulan na naman. As usual nakaskinny jeans lang siya at pinaresan niya ng maluwag na crop top na kulay beige hindi naman lantad ang kanyang pusod. May manggas ang suot niyang crop top kaya't lantad ang kanyang maputi niyang balat. Tinernuhan niya naman din ng beige flat sandal ang kanyang crop top. Pati ang sling bag niya ay beige rin. Minsan kasi gusto niya rin magbihis ng maayos kahit pa murayta lang ang bili niya sa kanyang mga kasuotan. Feeling niya kasi dapat maganda din ang imahe niya sa panlabas lalo na at online seller siya. May kasabihan ngang walk the talk. Kung ano ang binebenta niya online ay siya rin ang madalas na modelo ng kanyang mga items. Gaya ngayon, halos nga nagtilihan ang mga kameet up niyang customers dahil sa nagustuhan ng mga ito ang crop top at sandals niya. Nakakuha nga siya agad ng mga orders mula sa mga ito. Pafreebies kasi sa kanya ng supplier niya ang mga suot niya ngayon. Kasama ito sa mga laman ng parcel na hinatid sa kanya ni Rogelio. Dahil sa tagal na nga siyang suki ng supplier niya ay madalas itong nagpapadala ng mga free items nito na ginagamit niya naman bilang pakonsuwelo sa sarili. Kahit sa libre man lang ay hindi siya nawawala sa uso. Sa tipo ng pinasok niyang kabuhayan dapat lage siyang nakakasabay sa uso at kung ano ang latest upang hindi siya mawala sa trending style ng makabagong mundo. Simpleng babae lang naman siya pero para sa anak niyang si Thea ay kakayanin at lalabanan niya lahat upang matawid lang nilang mag-ina ang maayos na buhay. "Jusmeyoooo... Lord," napapalatak siya sa sobrang kaba ng bigla- bigla na lang may malakas na busina ng motorsiklo sa likuran niya akala niya ay masasagasaan na siya. Napahaplos siya sa kanyang dibdib dahil sa malakas na kabog nito at tila tinakasan siya ng kanyang espiritu. Bago pa mann siya makahuma sa takot at makalingon sa likod niya ay isang baritonong boses ang naulinigan niya na tiyak niyang kung kanino galing. "Sakay na mam beautiful, libre na 'to!," sambit pa nito sa likod niya. "Ikaw na naman! Anong libre ka diyan, muntik muna akong masagasaan, ungas ka talaga, bwesit!!!," maagap niyang harap at singhal dito. "Hala, hindi naman ah, ang layo ko nga! Siyempre sino ba naman ang hindi bubusina sa napakagandang dilag na naglalakad sa daan, mapapawow ka talaga!," tinanggal muna nito ang suot na helmet bago ito nagdadaldal. "Matabil nga talaga iyang dila mo, oo, diyan ka na nga!!!," tumalikod na siya at wala ng balak pang patulan si Rogelio dahil hahaba pa ang kanilang diskusyon. "Oi, wait mam, sakay ka na ihahatid na kita sa inyo, sige ka mapapagod ka pa at mabibilad ka pa sa init," rinig niyang banat pa nito. "Whatever!," supalpal niya dito sabay lakad takbo ang kanyang ginawa. Mabilis naman napaandar muli ni Rogelio ang motorsiklo nito at sumunod sa kanya at hindi siya tinantanan ng busina. Tuloy pinagtitinginan na sila ng mga taong dumaraan at kahit pa mga sasakyan ay napapahinto sa kanila. "Miss, sumakay kana kasi sa boyfriend mo, maawa ka naman, huwag kayo dito sa kalsada magLQ, nakakadgambala kayo sa daan," ilan sa mga narinig niya sa mga taong nakikiosyoso sa kanila. "Oo nah, sasakay na!!!," sa huli ay siya na rin ang sumuko kahit ilang metros na lang ang layo ng bahay niya ay napilitan na lang siyang sumakay sa motorsiklo ni Rogelio para matigil na ito sa pagbusina at pagsunod sa kanya. "Alright, good... so good, kapit lang ng mahigpit mam Regina, enjoy the ride!!!," ito pa mismo ang kumuha ng kanyang mga kamay upang ilapat sa magkabilang baywang nito pagkatapos ay basta basta na lang nito pinaharorot ang motorsiklo ng mabilis kaya't napakapit na lang tuloy siya ng mahigpit kay Rogelio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD