RWMR 14- CHATMATE

1014 Words
REGINA POV "My--- na, why uwi agad tito Lio?," usisa pa ni Thea ng pareho na silang nakahiga sa air bed nilang mag- ina kinagabihan. Maaga nga silang matutulog mag- ina dahil maaga nga siyang luluwas ng bayan upang mamili ng mga orders ng mga customers. Dadaan din siya una sa remittance center upang eclaim ang mga pinadalang bayad ng mga customers. "Theabelle, huwag ng maraming tanong, close eyes na!," banta niya sa anak dahil ayaw niya ng pag- usapan si Rogelio. "One lang my--na, please answer me!," demanda pan nito. "Okay, sige na para manahimik ka! Hindi naman kailangan nanarito siya palagi, aba'y may trabaho din iyong tao, baby!," anya. "Eh, kailan siya balik?," umandar na naman ang pagkamakulit ng anak niya. "Theabelle, stop it, mapapalo na talaga kita, sige ka!!!," bumangon siya at kinuha ang hanger panakot sa anak kaya naman napabalukot ito sa kumot at nanahimik. Oo gumagamit siya ng pamalo bilang panakot sa anak pero hindi para pangdisiplina. Mas mabisa pa rin ang masinsinang pakikipag-usap sa anak kaysa ang pagbubuhat ng kamay at pisikal na parusa. Hindi naman umabot sa pisikalan ang pagdidisiplina niya kay Thea. Masuwerte siya sa anak dahil kahit makulit ito at parang matanda kung makapagsalita ay napakasweet at napakamasunurin ito sa kanya. Hindi lahat ng mga magulang ay nabiyayaan ng mga anak na mababait. Naniniwala pa rin siyang nasa kamay pa rin ng mga magulang ang malaking rason kung paano disiplinahin ang anak upang maging mabubuti at kapita- pitagang mga anak. Hindi man siya nabiyayaan ng ulirang pamilya ay sisikapin niyang maging ulirang ina kay Thea. Paglingon niya muli sa anak ay panatag na ang paghilik nito. Diyan naman siya bilib sa anak dahil madali lang ito patulugin. Kahit noong maliit pa si Thea ay ganoon din ito. Hindi ito iyakin at bugnutin kaya naman marami siyang natatapos na gawain habang natutulog ang anak. Dahan- dahan siyang bumangon sa higaan at itinali muna ang buhok bago lumabas ng kanilang silid. Bumungad sa kanya ang napakatahimik niyang sala at kusina. Nakalimutan niya pa lang isara ang ilaw pagpasok nila sa silid ni Thea kanina. Napabuntong- hininga na lang siyang naalala kanina ang kaganapan sa kanila ni Rogelio. Makailang beses nilang pinagsaluhan ang nakakaliyong halikan. Napakagaling nitong humalik. Dalang- dala siya at halos mamasa nga ang kanyang p***y down there sa hatid nitong ibayong sarap. Halik pa lang nga ang ipinaranas sa kanya ni Lio pero para na siyang sinasaniban ng bolta- boltaheng kuryente sa katawan. Matinding atraksiyon ang pareho nilang nadarama para sa isa't isa kung kaya't simpleng paglapat lang ng kanilang balat sa isa't isa ay milyon milyong bituin na ang kanyang nakikita. Agad siyang tumungo sa sofa bed at naupo roon. Wala na siyang aayusin o lilinisin pa dahil maaga niya itong natapos pa. Para nga hindi siya masyado pang mag- isip kay Rogelio ay inabala niya ang trabaho kanina. Pero ngayon heto siya si Rogelio na naman ang bumabagabag sa kanyang puso at isipan. "Haist, Lio, ano itong ginagawa mo sa akin? Bakit hindi ka maalis sa isipan ko, hah? Para kang kabute na basta basta na lang susulpot. Sana tantanan muna ako!," anas niya sa kawalan. Dati- dati kasi kapag nakakatulog na si Thea ay susunod na rin siyang matutulog. Pero ngayon ay gising na gising pa rin ang kanyang diwa. Sa isip isip niya ay hindi puwede itong mangyari. Kailangang may gawin na siyang paraan upang hindi siya tuluyang maloka sa kaiisip kay Rogelio. Napahagilap siya sa kanyang telepono ng bigla itong tumunog. Nasumpungan niya ito sa ibabaw ng lamesa sa kusina. Naiwan nga niya pala ito doon kanina. Nang maabot niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Unknown number ang nakarehistro. Sinagot niya ito ng walang pag- alinlangan. Baka kasi importante. "Hi, Ina, sweety, miss me?," husky ang boses ng lalake sa kabilang linya na nagpatahip ng kanyang dibdib walang iba kung hindi ang taong gusto niyang maalis sa kanyang isipan, si Rogelio. "You are not answering sweety! Dammit, sigurado ka bang okay lang kayo ni Thea kasi pupunta ako diyan ngayon mismo?!," agad siyang nataranta sa sinabi nito kaya't agad siyang nakaisip ng dahilan upang maputol na agad ang kanilang usapan. "Okay lang kami kung hindi ka lang nambubulahaw ng taong natutulog na!," tinapangan niya ang kanyang boses. "Kalma Ina, inaalala ko lang naman ang kaligtasan ninyong mag- ina! Salamat naman kung okay lang kayo at least mapapanatag na rin ako!," sabi pa nito. "Oo na sige na, matutulog na ulit ako,bye!!!," papatayin niya na sana ang linya ngunit nagulantang na naman siya pinagsasabi nito. "Wait sweety, chat muna tayo, echat mo kung anong oras kita susunduin bukas!," demanda pa nito. "Hah, huwag na matutulog na talaga ako, bye!," pilit niyang pananapos pa sa kanilang pag- uusap. "Kapag hindi ka magchachat back ay susugurin kita ngayon din diyan sa bahay mo!," banta pa nito na ikinabuntong- hininga niya sa inis dahil napakademanding nito sa kanya eh, wala nga silang label ni Rogelio. "Huwag!!!! Sige na nga magrereply ako, sige na bye!!," agad na niyang pinatay ang linya. Maya- maya ay nakarinig siya ng tunog ng message notification. Gusto niya mang hindi sagutin ang mensahe pero naisip niyang totohanin nitong pumarito sa kanyang bahay ngayon din. Binasa niya ang mensahe ni Rogelio at tipid na sinagot ito. Nakakailang mensahe na ito pero isa pa lang ang naireply niya. Nawindang siya sa huling chat nito na tatawag ito at magvideo call raw ito kapag hindi siya sumagot ng mahaba- haba. "Haist Lio, nakakaubos ka ng pasensiya!," sambit niya at tumungo balik sa sofa at nahiga habang sinagot niya isa- isa ang mga chat nito. "Happy now! Sinaggot ko na lahat, ah!," anya matapos mareplayan lahat ng chat nito. "Very happy! My chatmate sweety Ina...tsup!!!," chat pa nito na maraming heart emojis. "Sige na tulog na ako, can't reply na, antok na me!," huli niyang chat. "Okay good night, sweety Ina....take care... tsup!!!," reply nito. Bahagya siyang napatili sa kasweetan ni Rogelio. In fairness, mas kinilig siya sa matatamis nitong salita sa chat. Talagang mapapasubo na siya nito sa kanyang bagong kachatmate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD