Unti-unti na akong lumulubog sa tubig, panay ang padyak ng paa ko at panay ang hampas ng kamay ko sa tubig. Hindi ko talaga alam ang gagawin dahil hindi talaga ako marunong lumangoy. Papikit na ako at kinakapos na ng hininga hanggang sa nakita ko si Lorenzo na papalapit sa akin habang sumisisid sa ilalim. Akala ko ay i-a-angat na niya ako paitaas ng tubig pero nanlaki ang mga mata ko ng ilapat niya ang labi niya sa labi ko at pilit na ipinapasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nang ibuka ko ang aking bibig ay binigyan niya ako ng hangin at tila sa bibig niya ako kumukuha ng suporta para makahinga sa ilalim ng tubig. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labi habang gumagalaw at tila pinapasunod ako sa ritmo na gusto ng labi niya. Hinapit niya ako sa bewang at mas idinikit sa katawa

