Kinaumagahan, hindi na ganun kapaga ang mata ko ngunit labi ko naman ang pumalit. Nawalan nga ako ng suot na shades sa mata ngunit nagsuot naman ako ng mask dahil pikloy ang nguso ko. Bakit naman kasi ganito ang anak ni Lorenzo. Lumabas ako ng aking silid at sinilip ko si Joshua sa silid nito at nakita kong tulog na tulog pa ang bata. Maingat kong isinarado ang silid nito at napagpasyahan kong bumaba na muna para makapag almusal na ako habang tulog pa ang alaga ko. Naabutan kong nagluluto na si Manay Lorna ng agahan habang si Kurdapya ay sinisimulan na ang paglilinis ng buong mansion kasama ng iba pang mga maids. "O, Iska. Ang aga mo naman gumising? Okay na ba ang mata mo?" pansin sa akin ni Manay Lorna. Habang sinisipat ang mga mata ko. "Opo, Manay Lorna. Medyo naiimulat ko na po ng ma

