TWME 15-Half naked!

1502 Words

"Naku, Iska. Pagpasensyahan mo na iyang si Señorito Lorenzo natin, mahigpit lang talaga yan sa mga trabahador niya," ani Manay Lorna. Narinig kasi niya ang naging usapan kanina tungkol sa day-off ko. Magco-commute pa tuloy ako bukas. Kapag kasi driver ka dito pwede mong dalhin ang sasakyan sa pag-uwi mo. Nanghinayang pa tuloy ako sa magagastos ko sa pamasahe pauwi. "Pero, Manay, diba ang dami naman niyang maids dito? Pero bakit sabi niya hindi daw kami pwede magsabay ni Joaquin dahil wala daw siyang mauutusan?" "Huwag mo ng pansinin yun," natatawang sambit ni Manay na tila may pakahulugan. "Hayaan mo na at makakauwi ka pa rin naman sa day-off mo." Sabay tapik ni Manay sa balikat ko. Pagkaalis ni Manay ay napabuntong hininga na lang ako. Malapit ng maghapunan kaya umakyat na ako sa sil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD