Chapter 8 KUNG malakas ang tili ni Helena kanina sa opisina, mas malakas ang tili ni Elijah ngayong gabi nang sabihin niya sa bakla na sa private lift siya ng CEO mag-o-operate. Kahapon, hindi siya gaanong masaya sa naging mag-uusap nila ng amo. Kahit na napakagandang lalaki nito, hindi niya ma-enjoy. But now that he let her stay, he looked more handsome than ever. He looks fair. No, he is a fair man. "Araw-araw kang nanalo sa jackpot, sissy! Nakakainis, dapat pala nag-apply na lang din akong elevator operator. Ang pagod sa HR," simangot nito. "Naiilang nga ako na sobra. Nahihiya ako sa kanya. Tapos nayakap ko pa kanina. Buti hindi ako itinulak. Baka tingin no'n sa akin ay malaking mikrobyo." Humalakhak si Elijah, "Ikaw ang pinakamagandang mikrobyo na nakita niya." They both laughed.

