Chapter 11.1 WALANG imik at nakayuko lang si Helena nang siya ay datnan ni Juan Miguel sa loob ng elevator. Wala naman siyang napala sa paggawa ng sulat niya kahapon, nandito pa rin siya sa loob ng elevator ng CEO na gusto niyang gawing parausan. Parausan. "Good morning!" Malakas na bati ni Juan Miguel nang pumasok bigla sa elevator. Ikinagulat iyon ng dalagang nakatulala at nag-iisip nang malalim. "Morning po," mahina niyang sagot saka agad na pumindot ng buton ng elevator. Hindi niya hinarap ang lalaki. She remained facing the buttons. "Are you okay?" Tanong nito. Tumango naman siya kahit paano para maitago ang kanyang nararamdaman. "Turn around and look at me, Helena. Are you okay?" Utos nito kaya halos papadyak ang isa niyang paa. Daig pa niya ang nagmamaktol na bata. She was

