Chapter 6 SHE confidently stepped inside the office of the CEO. Hindi siya nakayuko para itago ang kanyang magandang mukha, at hindi siya yumuko dahil wala siyang ginawang masama. Kaya lang, muntik naman siyang mapatigil sa paghakbang nang makita niya kung gaano kagandang lalaki ang CEO. Rumors were true. Sabi ni Eli, gwapo ang buhok. Gwapo nga at walang halong biro iyon. Parang sa itsura siya nito kakabahan at hindi ang pagpapaliwanag na gagawin niya. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang nilalang. Tumigil ito sa ginagawa nang tumunog ang pinto nang lumapat sa hamba. Isinara na kasi iyon ni Donatello. Nag-angat ng paningin ang CEO at nagtama ang mga mata nila. Napakurap ang dalaga nang wala sa oras. Sumandal ito sa upuan at iminuwestra ang harap ng mesa nito, na may apat na pul

