***Tala POV***
NAKATINGIN lang ako sa malaking lalaki na nasa harapan ko habang naka plaster pa rin ang ngiti sa aking labi. Titig na titig kasi sya sa akin at bahagya pang nakaawang ang labi. Medyo naiilang na ako dahil sa hitsura nya at sa klase ng titig nya. Hindi naman dahil pangit sya. Sa katunayan nga ay gwapo sya. Hindi yung simpleng gwapo na may hitsura lang. As in gwapo talaga sya. Mestiso na medyo moreno at nakaka-intimidate. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang mamula mulang labi. Pangahan ang mukha at may bigote at balbas pero manipis lang ang tubo nun. Ang mga mata nya ay kulay tsokolate na malalim kung tumingin at binagayan pa ng medyo makapal na kilay. Mukha syang may lahing arabo. Matangkad din sya na sa tantya ko ay nasa anim na talampakan mahigit. Malapad ang kanyang makisig na pangangatawan na hakab sa suot nyang puting long sleeve polo. Hindi lang sya gwapo kundi mukha ding mayamang businessman at mabango pa.
Bahagya kong ipinilig ang ulo at pinaglinaw ang isip. Nakakita lang ako ng gwapong mayaman natutuliro na ako.
Tumikhim ako at muling tinanong ang lalaki na nakatingin pa rin sa akin.
"Oh, I'm sorry." Aniya at tila doon lang binalikan ng ulirat.
Nakagat ko naman ang loob ng labi nang marinig ang boses nya. Malaki yun, malalim at magaspang na parang bagong gising. Pati boses nya ang gwapo din.
"Give me my usual, miss."
"Ah, ano pong usual, sir? Pasensya na po, bago pa lang po kasi ako, eh." Naging alanganin na ang ngiti ko. Baka kasi magsungit sya dahil hindi ko alam ang usual na ino-order nya.
Tumaas ang gilid ng labi nya at hayun na naman ang titig nyang nakakapanlambot ng tuhod.
"I want cafe americano, Miss.. Tala."
Napaawang ang labi ko nang banggitin nya ang pangalan ko. Magtataka pa sana ako kung paano nya nalaman pero bigla kong naalala ang name tag ko na nasa kaliwang dibdib ng suot kong white polo shirt.
Tumikhim ako at nagpipindot na sa pos machine. Kinalma ko rin ang sarili dahil kamuntikan na akong magkamali ng pindot.
"What size would you like, sir? Small, medium, or large?"
"Medium." Tugon nya habang nakatingin pa rin sa akin.
"Okay, uhmm.. would you like that hot or iced?"
"Hot."
"Any milk preference, sir?"
"No."
"Would you like to add a flavor or extra shot of espresso?"
"No."
"Okay, sir.." Inalok ko pa sya ng pastries namin pero tumanggi sya. Inulit ko ang inorder nyang kape para manigurado. Nag abot naman sya ng one thousand para sa bayad nya. Gusto ko pa nga sanang manghingi ng smaller bill. Pero nahiya na ako at buti na lang may barya naman kami.
"Keep the change."
"Po?" Napaawang ang labi ko at tumingin sa kanya.
"I said keep the change."
"P-Pero — "
Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil tumalikod na sya at may kausap na sa cellphone. Nalito naman ako kung ano ang gagawin ko sa sukli. Ang laki kasi ng sukli. Nasa isang daan lang naman ang kape.
"Ethel." Tawag ko sa kasamahan.
Lumapit naman sya sa akin. "O, bakit? May problema ba sa order ni Sir Garett?"
Kumunot ang noo ko. "Sinong Sir Garett?"
"Eh di yung gwapo at machong customer mo kanina." Aniya at nginuso yung lalaki.
'Ah, Garett pala ang pangalan nya.'
"So, anong problema sa order nya?"
"Wala naman. Ano kasi.. nagbayad sya ng 1k tapos keep the change daw." Sabi ko at pinakita ang sukli.
Tumawa sya. "Hindi talaga kinukuha ni Sir Garett ang sukli nya. Galante talaga yan. Mabuti nga yan para malaki laki ang paghahatian nating tip mamaya."
"Sigurado ka, ha?"
"Oo nga." Natatawang sabi nya.
Hindi ako mapaniwala na ganito kalaki ang tip. May mga nagbibibigay naman ng tip pero pabarya barya lang gaya ng sukling barya sa bayad nila. Minsan sampu, bente, at pinaka malaki na ang singkwenta. Ngayon lang ako nakatanggap ng malaking tip. Pero mabuti nga ito dahil malaki-laki ang tip na paghahatian naming mga empleyado. Meron kasi kaming tip box at lahat ng tip na natatanggap namin ay hinuhulog namin doon. Pagdating ng closing ay pinaghahatian na namin yun.
Hinulog ko na sa tip box ang tip at hinarap ang bagong customer. Patingin tingin naman ako sa lalaki na may kausap pa rin sa phone. Maganda ang tindig nya at matikas na matikas. Para syang model na nakikita ko sa social media. Humahakab pa nga ang malaking braso nya sa sleeve ng long sleeve polo na suot..
"Here's your coffee, sir. Thank you po." Magiliw na sabi ko sa lalaki na nagngangalang Garett at inabot na sa kanya ang kape nya na may malaking ngiti sa aking labi. Malaki talaga ang pasalamat ko dahil malaki ang tip nya.
"You're welcome." Aniya at kinuha na ang kape.
"Comeback again po, sir."
"Sure, I will, Miss Tala. And thanks for this." Saad pa nya at ngumiti sabay talikod na.
Dumiretso sya sa flower shop at kinausap si Ma'am Pinky. Bumili din pala sya ng bulaklak. Para kanino kaya ang bulaklak? Siguro sa girlfriend nya. Ang swerte ng girlfriend nya. Pero malamang ang girlfriend nya ay mayaman din gaya nya at maganda pa. Ganun naman talaga eh. Ang mga gwapo ay para lang sa maganda. Ang mayaman ay para lang din sa mayaman.
"Ang gwapo ni Sir Garett, no." Untag sa akin ni Ethel.
Binawi ko na ang tingin mula sa lalaki at nilingon ang kasamahan.
"Oo nga, saka halatang mayaman." Sambit ko.
"Mayaman talaga yang si Sir Garett. May ari yan ng malaking kumpanya. Kaibigan din sya ni Ma'am Pinky at Ma'am Ciella."
"Ah.."
Dumikit sa akin si Ethel at pabulong na nagsalita. "Ang alam ko nga may gusto sya kay Ma'am Ciella. Kaya lang mukhang may iba ng gusto si ma'am. Si Sir Lex. Gwapo din yung lalaking yun. Hindi nalalayo ng hulma kay Sir Garett. Mayaman din."
"Talaga? Sanaol pala Ma'am Ciella no." Sabi ko sabay ngisi.
"Sinabi mo pa. Ang haba ng buhok ni Ma'am Ciella. Kunsabagay, maganda rin talaga si ma'am. Artistahin din at sexy pa."
Tumango tango ako sa sinabi ni Ethel bilang pag sang ayon. Maganda naman talaga ang amo namin na yun. Mestisang may pagka tsinita.
Muli kong tiningnan si Sir Garett sa flower shop. Palabas na sya bitbit ang isang bouquet ng bulaklak at kape. Paglabas nya ay lumapit sya sa isang mamahaling sasakyan na itim na itim na nakaparada sa tapat ng shop. Binuksan nya ang pinto nun at bago sya pumasok ay gumawi ang tingin nya dito sa loob ng coffee shop. Nagtama ang mga mata namin. Kumindat sya sa akin sabay ngiti at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Umawang ang labi ko kasabay ng pag iinit ng pisngi ko. Bumilis din ang pintig ng puso ko na para ba akong kinakabahan.
Sinundan ko ng tingin ang sasakyan ni Sir Garett na papalayo na.
"Miss, isang macchiato nga. Medium lang."
Nagbawi ako ng tingin at bumaling sa customer na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin. Matamis akong ngumiti sa kanya at binati sya. Magiliw ko syang inestima gaya ng lagi kong ginagawa sa lahat ng customer.
Nawala na sa isip ko si Sir Garett ng dumami na ang mga customer. Naging abala na ako sa pag e-estima ng mga order nila. Infairness naman kasi dito sa coffee shop namin, mabenta talaga. Bukod kasi sa affordable ay masarap pa at di tinipid sa timpla. May ilang customer pa nga na tatlong beses kung bumalik dito sa isang araw. Halatang coffee lover.
.
.
INAYOS ko ang kwelyo ng suot kong itim na polo shirt habang nakaharap sa life size mirror. Suot ko na ngayon ang uniform ng coffee shop dahil tapos na ang training ko. Itim na polo shirt yun na may lining na puti sa dulo ng kwelyo at manggas. Merong naka-embroidered na pangalan ng coffee shop sa kaliwang dibdib ng damit. Tinuck-in ko sa pantalong maong ang polo shirt at sinuot ko na ang white sneakers.
Sinuklay ko ang maiksi kong buhok na bagong trim at treatment kaya healthy'ng healthy na naman yung tingnan. Binigyan ako ni Ma'am Pinky ng isang araw na pahinga bago ako sumabak sa dose oras na trabaho. Kaya nakapag pa-treatment ako kahapon. Bob cut ang gupit ng buhok ko at bagsak na bagsak yun. Gusto pa nga ng parloristang bading na lagyan ako ng bangs pero tumaggi ako. Hindi ako sanay ng may bangs dahil nangangati ang noo ko. Mas bet ko ngang magpakulay ng buhok pero saka na yun kapag keri na ng budget.
Nang makapag ayos na ng sarili ay umalis na ako sa harap ng salamin at sinukbit na ang maliit na bag sa likod.
"La, alis na po ako." Paalam ko kay lola na nasa kusina.
"Sige apo, mag iingat ka. Mag text ka kapag nandun ka na at pauwi na, ha." Bilin pa nya.
"Opo, la. Palo-loadan ko na rin po kayo para kung may emergency ay makatawag kayo."
"Ikaw ang bahala, apo."
Lumabas na ako ng bahay. Binati pa ako ng isang kapitbahay namin. Nginitian ko naman sya.
Huminto muna ako sa tindahan nila Sol para loadan ang cellphone ni Lola Puring. May cellphone sya pero de-pindot lang. Hindi kasi sya sanay at komportable sa touchscreen..
"Good morning, ma'am. Sorry po muntik ng malate. Naipit po sa trapik." Hinging paumanhin ko kay Ma'am Pinky pagpasok ko sa shop na nagbubukas na.
"It's okay, hindi ka naman late." Ani Ma'am Pinky na nag lalabas na ng mga display na bulaklak katuwang ang florist.
Nag excuse naman ako at pumasok na sa coffee shop. Binati ko ang mga kasamahan bago ako tumungo sa locker room. Mabilis ang kilos ko. Nilagay ko sa locker ko ang bag at sinuot ko ang apron na kulay beige. Kinabit ko sa dibdib ang name tag at lumabas na. Tumulong na ako sa mga kasamahan sa pagbubukas ng shop. At pagpatak nga ng alas nuebe ay binaliktad ko na ang sign sa entrance. Ilang minuto pa ay may pumasok ng paisa-isang customer.
"Ma'am Pinky, pwede po bang bumale mamaya?" Turan ni Kuya Jem na barista namin.
"Sure! Magkano ba, 5 kyaw?" Ani Ma'am Pinky.
"Grabe naman sa 5 kyaw, ma'am. 1k lang po ang babalehin ko. Pang budget sa gasolina lang hanggang a-kinse."
"Okay, no problem."
"Ako rin po, ma'am. Babale din." Sabi ni Ethel.
At nagsunod sunod na nga ang mga gustong bumale sa mga kasamahan ko. Araw pala ng balehan ngayon. Pito kaming tauhan dito sa shop. Tatlong babae at apat na lalaki. Lima dito sa coffee shop at dalawa naman sa flower shop.
"Ikaw Tala, hindi ka ba babale?" Tanong sa akin ni Ma'am Pinky.
"Hindi po, ma'am. Unang araw ko pa lang naman po."
"Ayos lang yun. Basta hindi ka mag a-awol bukas."
Natawa kami sa sinabi ni Ma'am Pinky. May pagkamabiro din talaga sya kaya magaan kasama sa araw araw.
"Hindi po muna, ma'am. Saka na po."
"O sige, ikaw ang bahala." Bumalik na si Ma'am Pinky sa flower shop kung saan sya madalas tumambay. Naroon din kasi ang opisina.
Kakasya pa naman ang pera ko hanggang sa sahuran. Talagang nagtipid ako at binudget ko na ang pamasahe ko at baon ni Maki pati na rin ang ibang gastusin sa bahay. Kahapon lang ako gumastos ng five hundred para sa hair treatment ko. Treat ko na rin sa sarili ko dahil tapos na ang training ko.
"Good morning, sir. Welcome to Haven La Fleur Cafe. Ano po ang kanila?" Magiliw na bati ko sabay ngiti at nag angat ng tingin mula sa sinusulat na note.
Ngunit nag freeze ang ngiti ko kasabay nang pagbilis ng pintig ng puso ko nang makita kung sino ang customer ko. Si Sir Garett.
"Hi, Tala." Bati nya sa akin sa magaspang na boses at ngumiti.
"H-Hello po, sir. Ano po ang inyo?" Medyo nauutal na tanong ko.
"My usual. Natatandaan mo ba?"
Mabilis akong nag isip. "Ah, cafe americano po, sir."
"Yes."
"Ah, cold and medium size po ba?"
"Hot and medium size."
"Ah okay po." Agad na akong napipindot sa pos machine.
"Where were you yesterday?"
"Po?"
*****