***Garett POV*** "THANK you." Malambing na saad ni Bethany ng salinan ng somelier ng wine ang kanyang kopita. Bahagya pa nyang inikot ikot sa ere ang hawak nyang kopita bago nilapit sa ilong at sinimsim yun. Sinenyasan ko naman ang somelier na iwan na kami. "Hmm.. this is so nice." Sambit ni Bethany. Hindi ko naman sya kinibo at naging abala sa kinakain kong steak. Masarap ang steak dahil ito ang paborito kong luto. Medium rare. Pero hindi ko ito ma-enjoy dahil ang kasama ko ay si Bethany. Pinagbigyan ko lang si papa sa gusto nya para hindi na ako masyadong kulitin. How I wish na si Tala ang kasama ko. But I'm planning na yayain din syang mag dinner date at sana ay pumayag sya. "You know what, Garett. I'm so excited for our wedding." Wika ni Bethany na hindi mapuknat ang matamis

