***Tala POV*** "PA, ang aga nyo naman pong napadaan dito." Kunot noong sambit ko sa ama. Natutulog pa ako sa itaas nang marinig ko ang boses nya na hinahanap ako. Ngumisi sya. "Inagahan ko talaga para maabutan kita, anak." Bumuntong hininga ako. Parang alam ko na kung ano ang kailangan nya. "Ano po ba ang kailangan nyo?" Tanong ko. "Manghihiram sana ako sayo ng pera, Tala. Baka may 5k ka dyan." Namilog ang mata ko. "5k? Wala po akong ganyang pera, pa. Tamang tama lang ang sahod ko para sa budget namin ng kinsenas. Yung pension ni lola sakto lang yun sa mga gamot nya at check up." Ngunit lalo lang lumapad ang ngisi ni papa. "Imposibleng wala kang pera, Tala. Aba'y balita ko sa mga kapitbahay may boyfriend ka daw na mayaman na naka-chedeng pa. Kinuwento pa nga sa akin nila Par

