***Tala POV*** "KUYA Garett!" Namimilog ang mga matang bulalas ni Maki nang makita nya si Garett pagpasok ng bahay. Agad syang lumapit dito at yumakap. Natatawang ginulo ng nobyo ko ang buhok nya. Napapangiti naman ako dahil bakas sa mukha ng kapatid ko na masaya syang makita si Garett. Akala mo ay ngayon lang nya ulit ito nakita. "Ang aga mo kuya, ah! Wala kang pasok sa office?" Tanong nya at binaba na ang bag sa sofa. "Meron kanina. May sakit kasi ang ate mo kaya pinuntahan ko rito." "Oo nga eh. Nagkasakit si ate. Ngayon na nga lang ulit sya nagkasakit eh. Tapos hirap pa syang maglakad kagabi. Saan ba kayo galing ni ate kahapon? Okay naman sya nung nandito sa bahay tapos pag uwi nya nagkasakit na sya. Baka pinapabayaan mo na ang ate ko kuya, ha." Napaawang ang labi namin ni Gar

