***Garett POV*** NAPAAWANG ang labi ko nang makita si Tala na nakabihis na. Simple lang ang suot nya. T-shirt na maroon na nakatuck-in sa blue jeans at puting sneakers. Pero litaw na litaw naman ang kurba ng kanyang katawan. Ang kanyang katamtamang sukat na dibdib na hakab sa maroon na fitted shirt at ang kanyang balakang at bilugang puwitan na hakab din sa suot nyang fitted jeans. Matagal ko ng napapansin ang magandang hubog ng kanyang katawan dahil kapansin pansin naman talaga yun kahit simpleng pantalon at uniporme lang ng coffee shop at apron ang kanyang laging suot. Pero ngayon ay mas litaw na litaw yun at hindi na nagiging maganda ang pakiramdam ko. Parang bigla akong nainitan. Iniwas ko ang tingin sa nobya at bumaling kay Lola Puring. "Magandang hapon ho, Lola Puring." Bati ko

