***Tala POV*** "TAGAY pa, Garett!" Saad ni papa at inabot ang shot glass kay Garett. Kinuha naman yun ng nobyo ko at tinungga. Naghiyawan naman si papa at ang kainuman nila na mga kumpare nya. Inakbayan ni papa si Garett at tinawag itong future manugang. "Alam nyo, ang swerte ng anak ko dito kay Garrett. Aba'y hindi lang gwapo at mayaman. Napakabait pa at marespeto." Sabi ni papa at nagtangunan naman ang mga nakangisi nyang kaibigan. Tuwang tuwa ang mga ito dahil nakalibre ng alak. Hindi lang yun basta mumurahing alak kundi mahal na alak na binili ni Garett at sosyal pa ang kanilang pulutan — conchinillo lang naman. "Proud na proud ang papa mo, o! Paldong paldo din sa alak at sosyal na pulutan." Nakangising wika ni Sol na nasa tabi ko habang kumakain ng ice cream na bigay ko sa ka

