Chapter 27

2194 Words

***Tala POV*** "MGA kapitbahay! Nariyan na ang tubig! Magsibangon na kayo!" Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig mula sa labas ng bahay. Mga boses yun ng mga kapitbahay namin. "Ate! Ate! Gising na. Nandyan na yung baha!" Napadilat na ako ng mata nang marinig ang boses ni Maki. Nasa hagdan sya at nakasilip sa akin. "Nasa kabilang bahay na yung tubig paakyat na sa atin." Kaagad akong bumalikwas ng bangon ng mag sink in na sa utak ko ang sinabi ng kapatid. "Ha? Nandyan na ang baha?" Bulalas ko. "Oo. Nag aangat na nga ng mga gamit yung mga kapitbahay natin eh." "Shet." Mahinang mura ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone. Alas singko na ng umaga. At least pa-umaga na bago umakyat ang tubig dito sa amin. Mas mahirap kasi kapag nasa kalagitnaan ng gabi. Mabilis ang kilos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD