***Garett POV*** "I WENT out of town, papa. May problema ho ba?" Sambit ko. Hindi ko sinabi ang totoo kung nasaan ako nitong nakaraang tatlong araw dahil alam kong may ikokomento na naman syang hindi maganda sa nobya ko. Bumuntong hininga si papa. "Wala naman. Pero sa tuwing tatawag ako sa office mo at dito sa bahay mo ay laging sinasabing wala ka at tatlong araw ng hindi umuuwi. I'm just worried." Ngumiti ako sa ama at tinapik sya ng marahan sa balikat. "I'm okay, papa. Gusto ko lang mag unwind kaya nag out of town ako. Pasensya na kung hindi ako nakapagsabi sa inyo." "I understand, son. Deserve mo naman ang pahinga." "Thank you, papa." Inaya ko na ang ama sa dining area para mag breakfast. Pero magkakape na lang daw sya dahil tapos na syang magbreakfast. Sinadya nya lang ako

