Padabog na ibinagsak ni Cailen Rex Lorenzo ang hawak na telepono sa ibabaw ng mesa. Huminga ang binata nang malalim kasunod ng pagsapo sa kanyang noo. Hindi kalaunan ay umangat siya ng tingin at tumambad sa kanya ang mukha ng isang dalaga na puno ng dismaya at takot. “Do you care to explain this?” may himig ng inis na bulalas niya bago humakbang patungo sa harapan nito. “I specifically told you not to do anything stupid until I told you so, right? Pinapasok kita sa Baltazar Events just to be an informant, Vanessa. Not to stir trouble.” “It wasn’t me!” Halos pasigaw na maktol ng dalaga. Humikbi-hikbi ito na tila isang paslit at pinunasan ang magkabilang mga mata. “Bakit ba lahat kayo ako agad ang tinuturo? You’re no different from them, Rex! Akala ko pa naman magkakampi tayo rito.” Gu

