Walang maayos na tulog si Roshane sa mga nagdaan na araw. Ngunit sa kabila nito ay maaga siyang nagising nang sumapit ang Lunes ng umaga. Hindi niya alam kung ano ang sinabi ni Nicollo sa kanyang ama, ngunit nakakasigurado siya na hindi nito magugustuhan ang desisyon niya na harapin ang lahat.
“It’s going to be a long day,” bulong niya sa sarili at bumangon mula sa higaan.
Pagkabukas pa lamang niya ng pinto ay bumungad na sa kanya ang kapatid na si Roanna. Tila hinihintay nito ang paglabas niya ng kwarto habang nakasapo sa lumalaki na nitong tiyan.
“Oh, bakit gising ka na?” kaswal na tanong niya sa kapatid at sinapo ang braso nito. “Hindi ba sabi ng doktor magpahinga ka hangga’t maaari. Maselan ang pagbubuntis mo.”
Imbes na sumagot kaagad, hinawakan nito ang kanyang kamay at pinukulan siya ng nangungusap na tingin. There was no need of words between them. Sa kislap pa lamang ng mga mata nito, batid niya na ang labis na pagaalala nito sa kanya.
“I heard what happened,” tipid na pahayag ni Roanna. “At sang-ayon ako kina Papa at Nicollo. Palagay ko, hindi makakabuti na pumasok ka. Let him handle it.”
“Paano mo nalaman? Sinabi ba sa’yo ni Ate Reema?”
“No. I heard them talking. Hindi ko lang pinahalata kina Papa at sa’yo na alam ko. I know everyone will get worried again.” Huminga ito nang malalim saka pilit na ngumiti. “Ayoko naman na dagdagan pa ang pag-aalala na dinulot ko sa inyo.”
“Ana,” malumanay na tawag niya sa ngalan nito. Hinawi niya ang buhok na humaharang sa noo ng kapatid saka umiling. “Mas mahalaga ang kalagayan mo ngayon. Nothing’s new with what I’m going through. You know me, hindi ito ang sisira ng loob ko.”
“That’s why I’m extra worried. Magtitiis ka na naman. Kung tutuusin kasalanan ko ‘to dahil pinilit kita na tanggapin ang offer ng Baltazar Events…”
“Shh,” putol niya sa winiwika ng kapatid. Nang akapin niya si Roanna, dito na ito nagsimula na umiyak. “Wala kang kasalanan. It was my choice to help. Kung papipiliin man ako, gagawin ko pa rin ang tingin kong tama.”
Nang mapatahan ni Roshane ang kapatid, sabay sila na nagtungo sa hapag-kainan. Namataan niya na nagluluto sa kusina ang ina, habang ang panganay nila na si Rachael ay abala sa paglalatag ng pinggan sa mesa.
“Good morning,” bati ni Rowela na lumitaw sa kanilang likuran. “Ang aga ninyo yata nagising? Mag-aalas sais pa lang ha?”
“Ate Ela? Bakit nandito ka?” nagtataka niyang usisa.
“Bakit? Bawal ba ‘kong dumalaw sa inyo? Nakaka-hurt naman.”
“No, I mean, Monday kasi ngayon. You don’t usually visit ng ganitong araw dahil may school si Dreame, right?”
Nagkibit-balikat ito at lumakad papunta sa direksyon ng ref upang kumuha ng maiinom. “Well, I decided to take a break. Si Hansel muna ang in charge.”
“Really? Pumayag si Kuya Hansel?” sabad ni Roanna.
“Of course. Mababait kaya ang napangasawa ng mga Ate ninyo. Si Tyler din ang bahala sa mga bata ngayong araw kaya hayahay ang buhay ko.” Humalakhak si Rachael at nakapamewang na luminga kay Reema na papalabas ng kwarto. “Isa lang naman ang minalas.”
“Rachael,” saway ng kanilang ina na narinig ang kanilang pinag-uusapan mula sa kusina. Lumabas ito habang dala-dala ang isang bandehado ng sinangag. “Tama na yan, ha. Kumain na muna tayo at maaga pa papasok ‘yung mga may trabaho d’yan.”
“Yes, rice sa umaga. Miss ko na ‘to.” Nagmamadali na kinuha ng kanilang panganay mula sa ina ang pagkain at inilapag sa mesa. “Tara na. Kain na tayo.”
“Teka, nasaan si Papa?”
Luminga sa paligid si Roshane pero ni anino ng ama ay hindi niya nakita. Saglit na nagpalitan ng tingin ang magkakapatid sa gitna ng nakakabinging katahimikan. Tumingin siya sa kanyang ina at ang tanging naging tugon lamang nito ay isang buntong-hininga.
“Ma?”
“Ah, umalis siya nang maaga.” Umupo ang ilaw ng tahanan, na mabilis sinundan ng magkakapatid. Hindi nito sinalubong ang kanyang mga mata at nagpatuloy sa pagsasandok ng pagkain sa plato. “May aasikasuhin daw sa opisina. Hindi naman nabanggit sa’kin kung ano.”
“Baka naman dahil peak season? Alam mo na, malakas ang manpower agencies sa ganitong panahon,” dagdag pa ni Rowela.
With their shaky voices and avoiding eyes, Roshane immediately knew that her family aren’t telling the truth. Hindi naman mapagkakaila na galit pa rin ang kanyang ama. Sa dalawang araw na nagdaan mula noong inihatid siya sa bahay ni Nicollo, hindi siya kinausap o hinarap man lang nito.
Hindi na siya nagpumilit pa na alamin ang totoo mula sa ina. Tahimik na natapos ang agahan at naghanda na siya sa pagpasok sa opisina. Sa lobby pa lamang ay dama na niya ang mga mata na sumusunod sa kanyang bawat galaw. Binalewala niya ang mga iyon at taas noo na nagpatuloy sa paglalakad.
Nagpatuloy ang mga bulung-bulungan hanggang sa marating niya ang kanyang department. Tila natigil sa paguusap ang kanyang team nang makita ang kanyang pagdating. Nagkulasan ang mga ito mula sa kumpulan at bumalik sa kanya-kanyang mga puwesto.
“G-good morning,” nauutal na bati ni Henry sa kanya.
“Good morning, Henry.” Nilinga ng dilag ang lahat at ngumiti. “Good morning, guys. Ready na ba ang lahat sa morning briefing?”
“Ma’am, about that,” tumayo si Henry mula sa kinauupuan. “May kailangan po kayong malaman at unahin.”
“What do you mean?” Kumunot ang noo niya. “Fine. Let’s talk in my office.”
Walang atubili na sinundan siya ng binata papasok sa kanyang opisina. Nanatili na nakasunod sa kanila ang mga mata ng lahat kaya naman hindi na nakapagpigil si Roshane at isinara ang mga blinds.
“What am I? A zoo animal?” May himig ng inis na bulalas niya at ibinaba sa mesa ang dala-dala na bag. “So, is it good news or bad news?”
“I’m sorry, but it’s not good news.”
Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. What did she expect, anyway? Kahit pa nabura na ang group chat at bulletin post sa employee portal, alam na ng lahat ang naging interaksyon nila ni Cailen. Everyone is now thinking that she’s nothing but a traitor.
“Go on.”
“Other departments won’t cooperate with us,” pagpapatuloy ni Henry habang nakahawak sa batok. “Kinakailangan natin ng mga data at reports galing sa kanila, pero dahil sa mga chismis…” Nahinto ito sa pagsasalita at napalunok. “They’re saying that the project will be cancelled. Ayaw na nila magsayang ng oras pa para rito.”
“Really?”
Sinubukan ng dalaga na huwag ipahalata sa kanyang mukha ang nadarama. Bahagya na naninikip ang kanyang dibdib bunga ng mga sinabi ni Henry ngunit nagawa niya na ikubli ito at kaswal na umupo.
“List down all the people and departments who refused to cooperate,” mariin na utos niya. “Send it to me. Personal ko silang pupuntahan.”
“Yes, Ma’am.”
“Is there anything else I should know about?”
Bumakas ang pagaatubili sa mukha ng binata. “Actually, may isa pa po kayong dapat malaman. Kaya rin po nagkukumpulan kami kanina sa labas.”
“May dagdag na balita ba tungkol sa kumakalat na litrato ko?”
“Hindi po ito tungkol doon,” luminga ito sa pintuan bago muling bumaling sa kanya. “Nanggaling po rito ang IT and Security Department. Nagtatanong tungkol kay Vanessa at pinabuksan nila ‘yung unit niya. They were asking about an email sent over the weekend.”
“Email? What email?”
“A revised version ng project proposal.”
Napatayo si Roshane sa gulat. “What? Anong revised version? We’re in mid-production!”
“Iyon din po ang pinagtataka namin kaya kami nagulat,” napakamot ng ulo si Henry. “The security team was saying that it was sent from here. Pero wala naman sa’min ang nagrender ng overtime nung Biyernes ng gabi.”
“Bakit sila nag-access sa computer ni Vanessa?” usisa niya.
“Hindi po kami sigurado, pero may bali-balita na siya ang pinaghihinalaan ng management.”
Nagbalik sa dilag ang usapan ni Nicollo at Leontine tungkol kay Vanessa noong lumipas na Biyernes ng gabi. Halata na hindi gusto ng dating kasintahan na mapunta ito sa team niya. Ngunit hindi rin siya kumbinsido sapagkat tila malaki ang tiwala ni Nathan at Leontine rito.
“Everyone’s saying that she’s also the culprit of the group chat and the bulletin,” dagdag pa ni Henry. Humakbang ito papalapit sa kanyang lamesa upang bumulong. “Sabi ng kaibigan ko sa IT department, na-trace po nila na galing sa unit ni Vanessa ang bulletin post.”
Muling umalingawngaw sa likod ng kanyang isipan ang sinabi ni Leontine. Base sa mga salita nito’y malinaw sa kanya na batid ng lahat na may pagtingin si Vanessa kay Nicollo. Could that be the reason? Or was she being wrongly being accused like she is?
“Shane!” Naputol ang kanyang malalim na pag-iisip nang bumukas ang pintuan. Bumulaga roon ang nagaalalang mukha ni Gale. “Bakit ka pumasok? I thought Nico already told you not to do this?”
“Thank you for telling these things, Henry. You may go.”
Tumango naman ang binata at nagmartsa palabas ng kanyang opisina. Nang tuluyan na sumara ang pintuan, dito niya lamang binalingan si Gale.
“Why? May krimen ba ko na ginawa para magtago at hindi magtrabaho?”
“No, it’s not like that. Pero mainit ka pa sa mata ng lahat. You know that being here would only trigger them.”
“But I can’t let them do this to my team.” Kinuyom ng dilag ang magkabilang mga palad at itinuktok sa ibabaw ng kanyang office desk. “Ako ang dapat umayos nito. If I keep hiding behind Nicollo, mas lalo ko lang pinatunayan ‘yung mga sabi-sabi. I’m not a user.”
“Oh, honey.” Napasapo ng noo si Gale. “Talagang hindi sila magpapapigil kay Nicollo.” Inabot sa kanya nito ang isang envelope. “As soon as they heard you went to the office, I was asked to give you this.”
“What’s this?” Binuksan niya ito at napa-ngiwi siya nang mabasa ang nilalaman nito.
“A call for the company’s discipline committee. Dahil sub-department kita, sa akin nila pinadala ‘yan. It will take place in three days. We have to answer.”
“I’m sorry for causing all these, Gale.”
Umiling-iling ito. “You’re not the one who caused this. If anything, ako pa nga nag-encourage sa’yo na makipagkilala kay Cailen Rex Lorenzo. Hindi ko naman inakala na gagamitin nila ‘yon to make you a target.”
“Target? They’re targeting me?”
“Yes. That’s my hunch. Kahit na hindi ako sigurado kung sa kanila galing ang mga litrato na ‘yon, I know they took advantage of the situation.”
“Sa kanila? Who are they?” Nalilito pa rin ang dalaga sa nais iparating ni Gale.
“Some people at the board,’ mabilis na tugon nito. “Alam mo naman na hindi madali katrabaho si Nicollo. Some of them prefer Nathan as he’s more laid back. I guess they’re trying to wound him by using you. After all, ang project mo ang highlight ng taon. And Nicollo is supervising it.”
“Is that why he’s trying to prevent me from getting involved?”
Tumango-tango si Gale. “Sigurado ako na ginagawa niya ang lahat ngayon para mapakalma ang investors. He knows you career can get hurt because of this. We all know that.”