Now playing: If This Was A Movie by Taylor Swift
Cara
Napakabilis lamang lumipas ng mga araw. Parang kailan lamang noong unang beses kong makita si Sabrina. Noong unang beses na masilayan ko ang kanyang kagandahan, ngunit iyon din ang unang beses na minahal ko na agad siya.
Parang kahapon lamang at hanggang ngayon ay sariwa parin sa aking alaala, noong malaman kong siya ang aming magiging bagong English teacher.
Parang kailan lamang noong paulit-ulit pa ako nitong pinagtatabuyan at tinatawag na bata. Dahil para sa kanya ay mayroon pa akong gatas sa labi. Ngunit syempre, hindi ko talaga siya sinukuan, dahil wala naman talaga akong balak na siya ay sukuan. At kahit na girlfriend ko na siya ngayon, kahit na sa akin na siya ngayon, there's no way I'm going to let her go.
Dahil ang isang Sabrina Dayn Lopez, ay pag mamay-ari lamang ni Cara Olsen. Period.
Natapos na ang Christmas break at New Year na magkahiwalay naming ipinagdiwang. Umuwi kasi ito sa kanyang mga magulang, habang ako naman ay kasama ko rin ang aking mga kaibigan.
Kung maitatanong man ninyo kung kumusta kami ng aking mga magulang? Well, ganoon parin. Mas mahalaga parin sa kanila ang kanilang mga sarili. Pero syempre sanay na ako. Ano pa nga ba ang dapat kong asahan mula sa kanila? Lalong lalo na sa aking ama.
Napa ismid ako ng mapakla sa aking sarili.
Tapos na rin maging ang Valentines day na magkasama namin din na ipinagdiwang ni Sabrina sa isang private resort. At ngayon nga, malapit na ako sa pagtatapos ng Senior high.
I can't wait for that day to come. Inaamin kong hindi ko maitago ang saya na aking nararamdaman dahil sa wakas, ay hindi ko na ito magiging teacher pa.
Malungkot man dahil hindi ko na ito makikita pa sa araw-araw at magkaibang University na ang aming papasukan, atleast magkakaroon na ako ng chance na maipakilala siya sa lahat at sa karamihan.
Pwede ko na rin itong dalahin sa pampublikong pasyalan para i-date. Hindi na niya o namin kailangan pang magtago o ilihim ang aming relasyon. Magiging malaya na kaming ipakita sa iba ang aming pagmamahalan.
Kinikilig na napapangiti ako sa aking sarili habang tinitignan ang kanyang litrato na naka save dito sa gallery ng cellphone ko.
Kapag ganito kasi na pareho kaming abala ay madalas ko talaga itong mamiss. Paano ba naman, gusto ko ay palagi ko lamang itong nakikita at palagi akong nasa kanyang tabi.
"Ang sarap naman ng mga ngiti na 'yan!" Tukso sa akin ni Audrey bago naupo sa aking tabi atsaka pa simpleng sumilip sa screen ng aking cellphone kung saan ako nakatingin.
"Grabe! Hindi ko talaga lubos akalain na mabibingwit mo si Ms. Lop---"
"Pwede bang hinaan mo naman yang boses mo?!" Putol at saway ko sa kanya habang nakatakip ang aking palad sa kanyang bibig. Bago nagpalinga-linga sa paligid baka kasi may ibang taga University na nasa paligid lamang namin na kilala si Sabrina.
Marahan naman niyang tinanggal ang aking kamay bago ako tinignan ng nakakaloko bago napangisi.
"Sabihin mo nga sa akin..." Pagpapatuloy nito ngunit sa mahina na ngayong tono ng kanyang boses. "May nangyari na ba sa inyong dalawa?" Napapikit ako ng mariin at nanatili lamang na hindi ito sinagot. Kunwari rin hindi ko siya narinig.
At sa wakas ay natahimik naman ito kahit na ilang segundo. Ngunit hindi nagtagal ay muli na naman itong napasilip sa aking cellphone. Napahinga ito ng malalim.
"Hindi ka parin ba tapos sa pagtitig diyan?!" Reklamo nito habang naiiling.
"Pwede ba? Mind your own business." Pag mamaldita ko rito bago muling ibinalik ang aking mga mata sa aking cellphone.
"Pwede bang magtanong?"
"Nagtatanong kana." Isang batok naman ang natamo ko rito dahilan upang mapatawa ako.
"Masarap ba si Ms. Lop-- " Muli ko itong tinignan ng masama.
"Sinabi ko na yung bibig mo!" Singhal ko sa kanya.
"Chaaar!" Sabay tawa nito ng malutong.
Hindi ko mapigilan ang mapatirik ng aking mga mata bago tuluyan ng ibinalik sa loob ng aking bag ang cellphone.
"What she means is kung yummy ba si Ms. Lopez?" Pagpapatuloy naman ni Louise kasama si Marcos at ang boyfriend ni Audrey na si Kenneth.
Walang nagawa na napapailing nalang ako sa mga ito. Alam na kami nila ang tungkol sa amin ni Sabrina. Sobrang thankful ako sa mga kaibigan ko dahil alam kong sobrang mapagkakatiwalaan silang lahat. Alam kong hindi nila ako ipapahamak, lalong lalo na ang relasyon namin ni Sabrina.
"Tigilan niyo ako." Inis na saway ko sa mga ito. "At bakit ngayon lang kayo dumating?" Dagdag ko pa dahil kanina ko pa hinihintay ang mga ito.
Magpapasukat kasi kami ng aming susuotin para sa grad ball at next week na iyon. Isa iyon sa bagay na pinaghahandaan ko dahil iyon ang event na kauna-unahang maaari kong maisayaw si Sabrina bilang kanyang estudyante.
"Pasensya na po, mahal na Prinsesa." Sarkastikong paghingi ni Marcos ng paumanhin bago ako inakbayan. Pabiro ko naman itong siniko sa kanyang sikmura bago kami tuluyang umalis na patungo sa designer na pinsan ni Audrey, na siyang magsusukat at magdedesinyo ng aming mga susuotin.
---
Ilang araw ko ng sinasadya ang hindi mag message o magparamdam kay Sabrina. Alam kong masyadong busy ito ngayon lalo na dahil sa nalalapit na grad ball at graduation day. Kaya hinahayaan ko na lamang muna na magpaka busy ito, upang magawa rin nito ang anumang mga dapat niyang tapusin.
Isa pa, time ko na rin kasi ito para mas makasama pa ang aking mga kaibigan. Dahil alam kong pagdating namin sa college, ay magkakahiwalay na kami lalo na si Audrey at Kenneth ay sa Thailand mag-aaral.
Napag-usapan na rin naman namin ni Sabrina ang tungkol sa bagay na ito. Na habang abala siya ay dapat na sulitin ko na rin ang aking oras na pwede ko pang makasama ang aking mga kaibigan.
Ayaw ko pa nga sana noong una eh. Mas gusto ko kasi talaga ang makasama siya palagi. Kahit na wala akong ginagawa at nakatunganga lamang sa kanyang harapan, habang abala siya eh ayos lang sa akin. Basta nakikita ko siya. Basta kasama ko siya.
Pero naiintindihan ko naman siya eh. Kaya heto, araw-araw at gabi-gabi kasama ko sina Audrey. Palagi kaming gumigimik at kung saan-saan nakakarating. Ni hindi ko na nga minsan makuhang i-text si Sabrina eh.
At sinasadya ko para mamiss niya ako.
Hehe.
Para naman isang araw pagising ko ay bigla na niya akong gustuhing makita at pagagalitan niya ako. Oo, pagalitan. Mas gusto ko kasi kapag nagiging istrikta si Sabrina. Ang hot niya kasing tignan. Iyong tipong tingin pa lamang niya, titiklop na ang buntot ko.
Pero s**t lang! Bakit parang hindi niya yata ako namimiss?! Bakit parang mas okay lang sa kanya na hindi kami nagkakausap ngayon at hindi kami nagkakasama?
Well, siguro nga baka masyado lamang itong abala. Baka nga masyado na naman siyang stress at maraming grades na pinoproblema. Kaya naman isang ideya ang pumasok sa aking isipan na gusto kong gawin para sa kanya. Gusto ko lang na kahit isang gabi, sa loob ng ilang oras ay maging magaan ang loob nito at mapawi ang lahat ng kanyang pagod.
Gusto kasi nito ang manood ng mga bituin habang nakahiga kami sa damuhan. Habang tumutugtog ang paborito nitong love song tapos isasayaw ko siya ng dahan-dahan, ng mabagal at naka tingin lamang sa mata ng bawat isa.
Gustong gusto ko na ginagawa ang mga ganitong bagay para kay Sabrina. Gusto kong maramdaman niya na special siya sa akin palagi. At kahit kailan ay hindi ako mapapagod na iparamdam ito sa kanya. Hindi ako magsasawa na mahalin at ingatan siya.
Pagdating ko sa lugar kung saan ko siya balak hintayin na dumating ay agad na nag send ako ng text message sa kanya. Pero magkakalahating oras na akong nandito ay hindi parin ito nagrereply. Lumalalim na rin kasi ang gabi, kaya hindi ko mapigilan ang mag-alala.
Sa inip ko ay walang nagawa na tinawagan ko na lamang siya. Nakakadalawang ring pa lamang ng sagutin niya ito.
"Hey, baby. What's up?" Napapalunok na sabi ko. Halatang excited na marinig ang kanyang boses. Hindi ko rin maitago ang ngiti sa aking labi habang hinihintay na banggitin nito ang unang kataga na maririnig kong lalabas sa kanyang bibig.
"Where are you?" Tanong nito sa akin sa pagod na tono.
"I texted you the address, haven't you read it yet? Or pagod ka ba para magmaneho? Do you just want me to pick you up?" Sunod-sunod at tuloy-tuloy na tanong ko sa kanya with a concerned tone.
I heard her sighed deeply from the other line. Halatang stress parin ito hanggang ngayon.
"Wait, saan ka ba? Pupuntahan nalang kita." Sabi ko sa kanya bago nagmamadali na muling nagtungo sa aking kotse. "Gutom ka ba? Gusto mo mag take out nalang tayo tapos dito nalang natin--"
"Look, I'm busy Cara." Dahan-dahan na natigilan ako sa biglang pagbabago ng tono ng boses niya.
"Pwede next time nalang? Marami pa akong kailangang gawin at dapat tapusin." Dagdag pa niya. Pahinga ako ng malalim.
Naiintindihan ko naman siya eh. Alam kong pagod na pagod siya ngayon sa araw-araw. Napatango ako kahit hindi naman niya nakikita.
"O-Okay baby. I understand. Pero kahit ilang minuto lang. Please? Pahiram lang ako ng kahit ilang minuto mo. Promise, mawawala ang pagod mo." Pangungulit ko pa at taimtim na nagdarasal na sana ay pagbigyan niya.
"Wala akong kahit konting oras o minuto na mabibigay sa'yo sa ngayon, Cara. I'm busy. I really am." Matigas na pagtatanggi nito kaya napalunok ako.
"P-Pero kahit--"
"I gotta go. I have a meeting in a minute." Putol nito sa akin at pagkatapos ay mabilis akong pinatayan na ng tawag.
Malungkot na napapabuntong hininga na lamang ako na bumalik kung saan ako nakaupo kanina at mag-isa na lamang pinagmasdan ang mga tala sa kalangitan. Noon ko naman naisipan na tawagan ang aking mga kaibigan.
"Hello? Where are you?" Si Audrey mula sa kabilang linya.
"Alak. Gusto ko ng alak." Iyon lamang ang tanging nabanggit ko pagkatapos ay pinatay na ang tawag at itinext na lamang sa kanila ang address kung nasaan ako ngayon.
Sabi nila, kung ano raw ang bagay na binibigyan mo ng maraming oras ay iyon ang bagay na mahal mo. Huwag naman sana na dumating sa amin ni Sabrina na parehas na kaming mawalan ng oras sa isa't isa.
Ayokong mangyari iyon, dahil hindi ko kakayanin.
Dahil sa mga sandaling ito, mayroon akong nararamdamang kirot sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag. O baka masyado ko lamang siyang namimiss?
Yeah. Baka nga miss ko lang si Sabrina ng sobra.