ISANG malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Alex. Bigla siyang nagulantang at nataranta. "Wife..." Gulat akong napatitig sa mukha ng asawa ng makitang sunod-sunod na luha ang pumatak sa mga mata nito. "Anong nagawa--" "S-sinungaling ka!" garalgal na bigkas nito. Kumunot ang noo ko. Akmang lalapitan ko ito ng umatras ito. Binalutan ako ng matinding takot sa nakikitang galit sa mga mata nito. Sa tagal naming mag-asawa, ngayon ko lang ito nakitang nagalit. "Anong pinagsasabi mo, asawa ko? Hindi kita maintindihan? Kahit kailan hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Ano bang problema?" Bahagya akong napasinghap ng ibato nito ang cellphone nito sa akin. Para akong binuhusan ng mainit na tubig ng makitang litrato ko iyon habang karga-karga si Sofia! Kahit wala akong ginawang masama, big

