MULA sa pagkakatulala ng makarinig ako ng mga yabag. Kasalukuyang nakatitig ako sa nagtataasang gusali. "Sir, paalala ko lang po na may meeting kayo kay Mr. Lozenges." Hindi ako kumibo. Hanggang sa marinig ko ang paglayo ng mga yabag nito. Tatlong taon. Napakurap-kurap ako ng mamalisbis ang luha sa mga mata ko. Sa loob ng tatlong taon, hindi nahanap ang asawa ko. Kahit na gumastos pa ng sandamakmak na pera ang mga magulang ko, walang saysay. Walang nakakapagbigay kung nasaan man lang ang asawa ko. Kung buhay pa ba talaga ito o nalunod ito sa agos ng tubig noong panahong iyon? At sa isiping iyon, labis ang paghihinagpis ko. Hindi ko matanggap-tanggap! Hindi ko kayang tanggapin na sa ganoong paraan mamatay ang asawa ko! Sobrang sakit sa dibdib ang isiping sa ganoong paraan ito maw

