CHAPTER 54

1487 Words

NABURA ang ngiti sa labi ko ng makita ang kakambal. Kasalukuyang nagdidilig ako ng mga halaman. Hapon na ng mga oras na iyon. Hindi ko maitatangging 'di ako natutuwa na madalas itong nagpupunta dito sa bahay namin ni Alex. Wala naman sanang kaso, hindi ko lang talaga nagugustuhan ang kalambingang ipinapakita nito sa asawa ko. Lalo na't nasa harapan pa ako. Oo nga't matagal na nitong ginagawa 'yon sa asawa ko. Noon pa man. Pero iba na ang kaso ngayon at may asawa ng tao si Alex. At mismong kapatid pa nito. Sana naman maisip nitong kailangan nitong dumistansya at baguhin ang paraan ng kinikilos nito. Kahit man lang kaunting respeto bilang kapatid nito. Pero mukhang nagmumukhang-inosente ito sa paningin ko. Hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang totoo sa ikinikilos ng kakambal ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD