NAPALINGON si Daniel ng mapansing napakatahimik bigla ni Sofia. Nakatingin din ito sa labas ng bintana ng kaniyang sasakyan. "Hoy, pangit. Ang tahimik mo naman. Ayaw mo ba akong makasama?" Sandali itong lumingon sa akin. Umirap din ng bahagya. Hanggang sa mapatitig ito sa kawalan. Napakunot tuloy ang noo ko. Hindi nakaligtas sa akin ang kalungkutan sa magandang mukha nito. Bigla akong napalunok. Hindi ko napigilang hawakan ang malambot nitong kamay. "What's wrong? May problema ka ba?" Hindi ko kayang nakikitang nalulungkot ito, sa totoo lang. Ako ang nasasaktan. Ako ang nahihirapan. "I'm tired." Sandali ko itong nilingon bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "Saan? Sa trabaho ba? Sino ba kasing nagsabing--" "No." "So, saan?" Nang bigla itong bumuntong-hininga. Kumalas din ito

