BIGLA akong napalingon ng marinig ang boses ni mommy. Nanlalaki ang mga mata nito habang punong-puno ng paghangang nakatitig sa akin. "Omg, anak. Napakaganda mo!" Buong tamis naman akong napangiti. Sa suot ko pa lang nagmukha akong Queen! May maliit na korona sa tuktok ng ulo ko at napapalibutan ng maliliit na diamonds ang suot kong gown. "Talagang gustong ipakita ng mapapangasawa mo kung gaano ka niya kamahal ha?" panunukso ni daddy. Kinilig naman ako ng husto. "Dapat lang no?" wika ni mommy na ikinangiti ni daddy. Niyakap ko naman ang mga ito. Nang bigla kong maalala ang kakambal. "Nasaan po pala si Sofia, mom?" "Nasa kuwarto pa niya, anak. Maya-maya pupunta rin 'yon dito." Nang tumingin si daddy sa relo nito. "In 15 minutes kailangan na nating umalis." Bumaba muna ang mga i

