KANINA pa ako patingin-tingin sa pintuan ng simbahan. Hindi na ako makapaghintay na makita ang mapapangasawa. "Mukhang atat na atat ah?" bulong ni Daniel. Pasimple ko naman itong siniko. Kunwa'y naman itong ngumiwi, ngunit 'agad ding ngumisi. Hindi naman ako nag-iisip ng masama at maraming tauhan ang nakabuntot sa sasakyang ginamit ng fiancée ko papunta rito sa simbahan. Tinawagan ko rin ito kanina bago ako tumungo rito sa simbahan. Hanggang sa kumabog ang dibdib ko ng malamang nasa labas na ito ng simbahan. Bigla akong napatayo ng tuwid. Titig na titig ako sa pintuan habang paunti-unti iyong bumukas. At kung paano ko napigil ang paghinga, ganoon din ang singhapan ng mga taong nandoon. Kaniya-kaniyang puri habang nakatingin sa gawi ng fiancée ko. Nahirapan akong lumunok habang nak

