ISANG buntong hininga ang pinakawalan ni Sofie. Kakatapos lang niyang makipag-usap sa telepono sa kaniyang ina. At ayon dito, madalas magmukmok sa loob ng kuwarto si Sofia. Napagbawalan pala ito ng kanilang ama na lumabas-labas lalo na't hindi pa nakakalimutan ng mga tao ang issue tungkol sa kanila ng asawa ko. Nakakaramdam man siya ng awa para kakambal, pero wala rin siyang magagawa. Kung hindi ito gumawa ng mga kalukuhan, sana hindi umabot sa ganito. Lalo na't nalaman ko ring gustong hanapan ng mapapangasawa ni daddy ang kakambal ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip o nararamdaman ngayon ng kakambal ko. Pero kung ito ang ikakatahimik nito at magiging daan upang matauhan ito, mas mabuti na sigurong ipagkasundo ito at ng magka-asawa na rin. Baka sakaling tuluyang maglaho ang nararam

