LUMIPAS ang mga araw at Linggo. Unti-unti ng naglalaho ang pagka-ilang ko kay Alex. Madalas, napapangiti ako nito at kung minsan naman natatawa ako sa mga biro nito. Dumating sa puntong kaya ko ng makipagtitigan dito habang kinakausap ako nito. Kaya ko na ring makipagngitian ng harap-harapan dito. Dati-rati kasi madalas nakayuko ako at itinatago ko pa rito sa tuwing ngumingiti ako. Hindi ko nga akalain na mapapabilis ang pagiging malapit namin sa isa't isa. Kung sabagay 'di naman nakakapagtaka at sobrang bait nito. Ang higit ko pang nagustuhan sa binata, masyado itong maalalahanin at napaka-gentleman. NAKADAPA ako sa ibabaw ng kama habang ginagamit ang laptop ng marinig ko ang sunod-sunod na katok. "Bukas 'yan, mom!" wika ko. Nagtataka nga ako at hindi ito pumapasok. Ang pagkakaa

