ISANG mabigat at mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko. Sa tagal na panahon muli akong nakaapak sa mansion kung saan ako lumaki. "Anak!" nakangiting sambit ni mommy. Nagmamadali ako nitong sinalubong at mahigpit na niyakap. "Mom..." ganting yakap ko sa ina. Napangiti ako at maluha-luha ito. "Mabuti naman at naisipan mong bumisita sa amin. Kaunti na lang at magtatampo na sana ako sa'yo." Bumalong ang lungkot sa magandang mukha nito. Lihim naman akong napalunok. Ang totoo may pinaka-dahilan ako kung bakit ako nandito. Iyon ay ang kausapin ang kakambal ko. "H'wag na po kayong magtampo, mom. Nandito na po ako." At saka ito nginitian. Napangiti naman ito at iginaya ako papasok sa loob. Naigala ko naman ang paningin. 'Di ko naman maitatangging namiss ko rin ang bahay na ito. "Si

