CHAPTER 120

1643 Words

BUONG pagmamahal kong tinitigan ang asawang mahimbing pa rin ang tulog. Hindi ko maiwasan ang kiligin at nakaunan ito sa braso ko habang nakayakap sa akin at nakasiksik sa matipunong dibdib ko. Ikinulong ko ito sa bisig ko. Niyakap ko ito ng mahigpit. Paulit-ulit ko ring hinagkan ang magandang mukha nito sa paraang 'di ito magigising. Kung alam ko lang talagang ang pagkakasakit ko ang magiging dahilan ng pagpayag nitong makatabi ko ito sa pagtulog at ang pakikipag-usap nito sa 'kin, sana pala noon pa gumawa na ako ng paraan para lagnatin! Bigla akong napangiti. Tipong hindi ako nito pinapansin pero no'ng magkasakit ako, tarantang mag-alaga sa akin e! Napaiyak pa sa sobrang takot! Mahal pa naman pala ako e! Hindi nga ako natiis! Parang bulang naglaho ang lahat ng hinanakit ng loob

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD