ARAW ng SABADO
"Where are you going, kuya?" tanong ni Daniel.
Tumikhim muna ako bago ito sinagot.
"Kila Sofia."
"Sama ako," maagap na wika ni Daniel.
Lihim naman akong napangisi.
"Aasarin mo na naman si Sofia."
"Ang sarap niyang asarin e!" nakangising sagot nito.
Nauna pa talagang lumabas ng mansion.
Napailing-iling naman ako.
"Where's Nhikira?"
Isang buntong hininga ang pinakawalan nito.
"Parang hindi mo kilala si Nhikira, kuya. Tulog mantika pa iyon hanggang ngayon."
"Tiyak magtatampo iyon kapag nalaman na pumunta tayo sa kabilang mansion."
Nang bumaleng ito sa akin.
"Ano nga bang gagawin mo do'n?" tanong nito.
Pinaandar ko na ang sasakyan. Nakabuntot naman ang ilang sasakyan na pawang mga tauhan nila daddy.
Mas gusto ko kasing ako mismo ang nagmamaneho ng sasakyan. Ayokong sa lahat ng bagay ay iasa na lamang sa mga tauhan ni daddy.
"Titingnan ko lang kung anong ginagawa ng dalawa. Alam mo na, wala sila tita at tito doon."
Tumango-tango naman ito.
"Oo nga pala. Tamang-tama, maaasar ko ang pangit na iyon!"
Pansin ko ang nakakalukong ngiti nito.
"As if naman, lalapit iyon sa'yo?" panunubok ko.
Ngumisi ito.
"Tiyak na lalapit iyon para saktan ako!" Sabay tawa nito.
Natawa naman ako ng mahina.
Alam ko naman na kapag pikon na pikon na si Sofia, gusto talaga nitong manakit!
"How about Sofie?" Sumeryoso ako.
Kung minsan kasi napagseselusan ko ito at ito lang ang kinakausap ng dalaga. Ito lang din ang nginingitian ng walang alinlangan at pilit!
Minsan nga napapaisip ako kung ano bang mayroon si Daniel at nakasundo nito ang dalaga?
"Kapag magkausap kayo ni Sofia, natural si Sofie ang kakausapin ko. Alangan naman tumunganga ako roon!"
Nang bumaleng ito sa akin.
"Bakit nga pala wala ka pa ring girlfriend kuya?" nakangising tanong nito."Nasaan na iyong babaing gusto mo? Baka naman puwede mong ipakilala sa akin?"
Bigla akong napakamot sa kilay ko.
"Eh, bakit ikaw? Wala ka pa ring girlfriend?" balik tanong ko.
Ngunit nakangisi lang ang luko.
"Mas matanda ka sa akin. Gusto kong mauna ka muna bago ako."
Sandali akong natahimik.
"Saka ko na ipapakilala. Hindi ko nga alam kung magugustuhan ako," pag-amin ko.
"Walang aayaw sa isang Priscela, kuya!" Bahagya pa nitong tinapik ang balikat ko.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.
"She's different."
"Aswang ba siya?"
Bigla ko itong tinaliman ng tingin. Natawa naman ito.
"I'm just kidding. Pero pustahan tayo kuya, sino man 'yang babaing gusto mo natitiyak kong gusto ka rin niya!"
Bigla akong napangiti sa sinabi nito.
"Paano mo naman nasabi?"
"Well, nasa iyo na ang lahat ng katangiang hinahanap ng isang babae. Guwapo, mabait, mapagmahal, magalang at higit sa lahat mayaman."
Ngunit bigla akong sumeryoso.
"Iba yata ang gusto niya."
Pansin kong napatitig ito sa akin.
"Akala mo lang 'yon, kuya. Subukan mo na kasing manligaw kung sino man siya."
Sandali ko itong sinulyapan bago ibinalik sa kalsada ang paningin.
"Eh, ikaw may babae ka na bang nagugustuhan?"
Bigla itong natahimik. Hindi nakaligtas sa akin ang paglunok nito.
"Well, bilang normal na lalake syempre mayroon."
Napangiti ako sa salitang normal na lalake.
"Bakit hindi mo ligawan? Hindi mo naman kailangang hintayin pa akong magkaroon ng karelasyon."
Nagpakawala ito ng buntong hininga.
"Hindi niya ako gusto."
Bahagyang napataas ang kanang kilay ko.
"Ikaw na nga ang nagsabi, walang aayaw sa isang Priscela."
Napasuklay ito sa sariling buhok.
"May iba na siyang nagugustuhan."
Bigla akong natahimik.
Naalala ko pa ang sinabi noon ni Sofia, may iba na itong nagugustuhan.
Pero hindi ko ito tinatanong. Ayoko naman kasing makialam sa personal nitong buhay.
"Paano mo naman nasabi?"
Bigla itong natulala sa kalsadang tinatahak namin.
"Iyon 'yong nabalitaan ko."
Bigla ko itong sinulyapan.
Hindi nabalitaan, kun'di narinig.
Lihim akong nagpakawala ng buntong hininga. Halatang ayaw nitong magtapat sa akin na si Sofia ang gusto nito.
O baka nagkakamali lang ako?
"Hangga't wala pa siyang nobyo, may pagkakataon ka pang ligawan siya. Kaya kumilos ka na. Mamaya niyan maunahan ka pa!"
Tumikhim ito.
"Saka na. Alam ko naman bawat galaw no'n. Besides, alam ko naman na hindi siya gusto ng lalaking gusto niya!" bigla itong ngumisi.
"Really?" nakangiting wika ko sa kapatid.
Tumango-tango ito.
"So, hindi ka naman pala mahihirapan. Tiyak kong kapag nalaman niya na isang Priscela ang nagkakagusto sa kaniya, baka siya pa ang manligaw sa iyo!" pagbibiro ko sa kapatid.
At bigla na lang itong humalakhak. Parang nagustuhan yata ang biro ko.
"Sana nga kuya! Gusto ko yata 'yan!" Namula ang magkabilaan nitong tainga.
Hindi rin halatang malakas ang tama nito sa babaing tinutukoy nito.
Pero malakas ang kutob ko na si Sofia ang babaing nagugustuhan nito!
Kapag nangyari iyon, ako na ang unang taong magiging masaya para sa kapatid. 'Di ko naman maitatanggi na nasa katangian din ni Sofia ang hinahanap ng isang lalake.
DOMINGO'S Mansion.
"Good morning po, Senorito!" bati ng isang kasambahay.
"Iyong dalawang kambal?" nakangiting tanong ko.
Luminga-linga naman sa paligid si Daniel habang nakapamulsa.
Hindi ko pa maiwasan ang mapangiti at talagang sumisipol pa ito!
"Nasa kuwarto po si Senorita Sofia, Senorito Alex. Kakaahon lang sa swimming pool. Si Senorita Sofie naman po nasa pool pa po siya," magalang nitong sagot.
Bigla namang kumabog ang dibdib ko.
Ang isiping naka-two piece ang dalaga, bumibigat na ang paghinga ko!
Hindi ko pa yata nasisilayan ang hubog ng katawan nito! Ni magsuot nga ng maikling short, 'di ko pa ito nakikitaan.
"Sige na kuya. Silipin mo muna si Sofie at hihintayin ko naman dito si Sofia. Gusto kong masira 'agad ang araw niya kapag ako ang una niyang nakita!" nakangisi itong umupo sa mahabang sofa.
Simple namang napangiti ang kasambahay. Hindi kasi lingid sa mga ito kung paano mag-away ang dalawa.
At labis naman akong natuwa sa isiping ako ang pinahintulutan nitong tumungo sa swimming pool kung nasaan si Sofie!
Alam ko namang malapit ang dalawang ito.
ILANG beses akong nagpakawala ng buntong hininga. Kinakabahan ang dibdib ko sa halo-halong nararamdaman.
Excited akong makita kung gaano ito ka-sexy sa suot nitong two piece!
Napapalunok laway pa ako sa isiping makikita ng dalawang mga mata ko ang kinis ng mga hita nito.
Ang hugis ng pangangatawan nito.
Bigla akong napahinto ng makita ang dalagang paahon sa tubig!
Napalunok ako kasabay ng pagbigat ng paghinga ko ng makita ang pisngi ng dibdib nito!
Hanggang sa makaahon ito at tumambad sa akin ang kasexyhan ng pangangatawan nito.
Oh damn!
Mula ulo hanggang paa ko itong natitigan.
Napakurap-kurap pa ako ng huminto ang mga mata ko sa gitna nito. Hanggang sa matitigan ko ang bilugan at napakakinis nitong hita!
Akmang ihahakbang nito ang mga paa ng bigla akong mapakunot noo.
Bigla itong natigilan at napatingin sa paa nito.
Hinawakan nito iyon. Hindi nakaligtas sa akin ang pagngiwi nito.
At dahil huminto ito malapit sa hagdan ng pool, ng bigla itong mapasigaw ng madulas ito at mahulog uli sa pool!
Nanlaki ang mga mata kong napatakbo sa kinaroroonan nito. At bigla akong nataranta ng kumalampag ito sa ilalim ng tubig.
Hindi na ako nagdalawang isip na tumalon sa pool at agad itong hinawakan sa maliit nitong baywang.
Pagka-ahon ko rito, sunod-sunod itong napaubo. Itinabi ko muna ito sa gilid ng pool.
Nanatili ang kamay ko sa baywang nito.
At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nito. Ang pamumula ng magandang mukha nito.
Bigla itong lumayo sa akin. Hinayaan ko naman at nakahawak na ito sa gilid ng pool.
Mas ginusto ko ring mapalayo sa katawan nito at ramdam kong nagigising ang alaga ko!
Fvck!
Kahit naman wala pa akong karanasan, lalake pa rin akong tao!
"Are you okay?" tanong ko sa dalaga na halos nakayuko na.
Pulang-pula pa rin ang mukha nito. Lihim tuloy akong napangiti.
She's so freaking cute! Napaka-mahiyain!
"Anong ginagawa mo rito?" instead na tanong nito.
Tumikhim ako.
"Dinalaw ko lang kayo ni Sofia. Kasama ko si Daniel."
Umahon na ako.
Inabot ko ang kamay dito. Sandali niya itong natitigan.
Lihim kong nakagat ang ibabang labi ng abutin nito iyon. At dahil 'ata sa paa nito, bigla itong napasigaw ng ma-out balance ako.
Ang totoo, sinadya ko iyon!
Kaya naman ang resulta, nasa ibabaw ko ito!
Sabay pa kaming napalunok habang magkahugpong ang mga mata namin.
Hanggang sa bumaba ang mga mata ko sa mamula-mula nitong labi!
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng bahagyang gumalaw ang ulo ko palapit dito.
Ngunit bigla itong nataranta at nagmamadaling umalis sa ibabaw ko.
Lihim naman akong napapikit!
"Sorry. Nawalan ako ng balanse," wika ko.
Hindi ito umimik.
Akmang tatayo ito ngunit 'di nito magawa. Bigla ko itong nahawakan sa braso.
Bigla na naman kaming nagkatitigan.