ALEXA was reviewing the account of their client when her phone – Zacchaeus phone – chimed. Nasa kaniya pa rin ang cellphone ni Zacchaeus. Ibinabalik na niya kay Zacchaeus ang cellphone nito pero sa kaniya na muna daw kaya ang ending na kay Zacchaeus pa rin ang phone niya para may gamitin ito. Natigilan si Alexa nang matanggap ang isang mensahe mula sa hindi kilalang numero. ‘Baby, I’m coming to your office right now. I miss you.’ Kumunot ang nuo ni Alexa at ibinaba ang hawak na cellphone. Kapagkuwan napaisip siya. “Coming?” Namilog ang mata niya nang marealize niya kung ano ang nasa mensahe. Unknown number ang pinanggalingan ng mensahe pero alam niyang iisang tao lang ang nagpadala nito. “Estella…” Tumaas ang kilay ni Alexa. Sandali niyang tinitigan ang mensahe ng babae bago siya

