Chapter 36 AARRON MARCHAC POV: Kumatok ako sa labas ng bahay ni Vanessa, at bumukas na rin ang pintuan. Napakunot ang nuo niya nang makita niya ako. Nagtiim-bagang ako, hindi ko makakalimutan ang ginawa niya kay Raven. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. "A-Aarron? A-Anong ginagawa mo d-dito?" ramdam na ramdam ko ang kaba sa kanyang boses, I look at her with my cold eyes. "Pwede ba akong pumasok sa loob?" malamig na sabi ko, dahan dahan naman siyang tumango at pinapasok ako sa loob. Umupo ako sa couch. "A-Anong gusto mo? You want c-coffee? juice?" umiling na lamang ako, ayokong may matanggap galing sakanya at baka lagyan pa niya ng lason ang ipapainom niya sakin. Umupo siya sa harapan ko. "N-Nasaan si R-Rielle? B-Bakit hindi mo siya kasama?" I fist my hand, and I glare at her "Bakit

