JAVIER KUNOT na kuno ang noo ni Mommy habang nakatingin sa amin ni Daddy. Nalaman niyang nawawala si Sarah. “Hindi mo dapat kinompronta si Sarah sa pagtatrabaho niya kay Lucas. Pinayagan ko siya dahil gusto kong maging masaya siya. Napapansin ko ang pagkainip niya dito sa bahay. Kasama naman niya si Kevin. Kung ang pagbubuntis ni Sarah ang iniisip mo hindi naman siguro susuong si Sarah sa mabigat na trabaho. Alam niyang may dinadala siyang limang sanggol sa kanyang sinapupunan.” Sabi ni Mommy. Hindi nakakibo si Daddy dahil alam niyang guilty siya sa sermon ni Mommy. “Pinahahanap na namin si Sarah,” sabi ko. Napatingin si Mommy sa akin. “Nang dahil sa inyo kaya nawawala si Sarah. Dapat lang hanapin niyo siya. Kung may masamang nangyari sa kanya mananagot kayo sa akin!” galit na sabi n

